Chapter 14

1.1K 89 33
                                    


Weeks has passed and Aspen could feel the stress sa kanyang pag-aaral lalo pa at parami na ng parami ang kanyang mga gawain. At ramdam na ng kanyang katawan ang hirap, puyat, at pagod. Hind pa nakatulong ang wala sa oras niyang pagkain.

At dahil sa tambak niyang gawain habang papalapit na ang finals, naisipan niyang humingi na siya ng tulong kay Bret. At siya naman ang nagtungo sa building of Arts para kausapin ito. Hindi alam ni Bret na sasadyain niya ito dahil sa nakagawian na ito ang maghihintay sa labas ng kaniyang college building, pero dahil sa wala ang kaniyang professor sa kanyang last subject ay maaga silang nakalabas at iyun na ang naisipan ni Aspen na pagkakataon para puntahan si Bret at humingi na nga rito ng tulong dahil sa alam niya na hindi na niya kakayanin pa ito na mag-isa.

Nasa first sem pa lang siya ng kanyang second year pero halos mabaon na siya sa hirap ng pag-aaral. Madali lang sa kanya ang pagguhit na kasama sa kanyang kurso pero may isang subject na gusto na yata siyang mag-commit ng suicide.

She expelled a deep sigh while she waited and sat patiently on a bench under a tree not far from the building of college of arts. Mula sa kanyang pwesto ay nakaharap siya sa hagdan paakyat sa main entrance ng building. At habang naghihintay siya ay inilabas niya ang kanyang notebook at lapis at saka nagsimulang gumalaw ang kanyang kamay.

Tila ba nagkaroon ng sariling isip ang kamay ni Aspen at kusang gumuhit ang ito sa papel ng kanyang notebook. Hindi na niya namalayan pa ang paglipas ng sandali at nang makuha ang kanyang atensiyon ng ingay ng mga boses na nagmumula sa entrada ng building ay huminto siya sa kanyang ginagawa at umangat ang kanyang mukha mula sa pagkakatungo niya sa kanyang notebook. At doon ay nakita nga niya ang bulto ng mga estudiyante na nagmamadaling lumabas ng building at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Tiningnan niya ang oras sa mula sa suot niyang relo at nakita nga niya na lumipas na ang oras. Ililigpit na sana niya ang kanyang gamit nang makita niya ang pahina ng kanyang iginuhit at natigilan siya nang mapagtanto niya kung sino iyun. It was the face of Ocean. Tila ba inilapat ang imahe nito sa kanyang notebook dahil sa buhay na buhay ang mukha nito na kanyang iginuhit. He was smiling that boyish grin of his na tila ba iginagawad nito sa kanya dahil sa diretso ang mga mata nitong nakatingin. Ang mga mata nitong ngumingiti sa tuwing ngumingiti ang mga labi nito. At ang buhok nitong tila nagsanib ang asin at paminta.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibaba na labi and she realized that she misses him. Though gusto niya ang company ni Bret iba pa rin si Ocean. Para bang buhay na buhay ang paligid kapag ito ang kasama niya. he commands attention kapag narinig mo pa lang ang boses nito.

Pero hindi na niya ito makakasama pa. Hindi na... dahil sa katulad ng kanyang mommy ay hindi na rin siya nito maintindihan.

Isinara niya ang kanyang notebook at muli niyang isinuksok iyun sa loob ng kanyang backpack at saka nyia isinara ang zipper. Tatayo na sana siya nang makita niya si Bret na may kasama na babaeng pababa rin ng hagdan. Nag-uusap ang dalawa habang bumaba ng mataas na hagdan ng building. At nakita niyang tumawa pa ang kasamang babae ni Bret nang may sinabi ito.

Nakababa na ang dalawa at nagpaalamanan na ang mga ito. Sumenyas pa ang kanan na kamay ni Bret at inilapit nito sa tenga. His pinky finger and thumb were straight while the rest of his finger's were folded, imitating a telephone receiver.

Tumango naman ang babae at saka ito kumaway bago ito tuluyan na naglakad papalayo. At doon na siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan para makuha niya ang atensiyon ni Bret na nagsimula na rin na maglakad.

"Bret!" ang kanyang malakas na pagtawag sa pangalan nito. Huminto ito sa paghakbang at nakita niyang nagulat ito nang makita siya naghihintay sa harapan ng building ng college nito. Lumingon si Bret mula sa direksiyon na tinahak ng babaeng kasama nito kanina bago ito naglakad papalapit sa kanya.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon