"Hintayin mo ako sa usual place kung saan kita sinusundo, maaga akong uuwi at inimbitahan ko si Ocean na magdinner sa bahay, and again, huwag mo sanang sirain ang gabi ko o gabi namin ni Ocean Aspen? don't do any antics again na ikasisira ng gabi ko, gusto ko na magrelax sa bahay kasama si Ocean," ang sabi nito sa kanya. Naglalakad siya sa hallway ng building ng kanyang college pagkalabas niya ng kanilang room nang magtapos na ang kanyang pang-huli na klase.
Sa dami ng sinabi ng kanyang mommy ang nakakuha lang ng kanyang atensiyon ay si Ocean. Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang pangalan nito. At alam niya kung bakit...dahil nakakita siya ng isang kaibigan sa katauhan ni Ocean. She doesn't see him as a father figure kahit pa boyfriend ito ng kanyang mommy. Hindi rin mapapalitan ni Ocean ang kanyang papa sa kanyang puso. She saw a friend that she could confide with in Ocean kahit pa malaki ang agwat ng kanilang edad.
"Yeah," ang tanging sagot niya at katulad ng dati ay hindi na nagtagal pa ang pag-uusap nila ng kanyang mommy. They hang-up at agad niyang ibinalik ang kanyang phone sa loob ng kanyang bulsa at nilagyan na niya ng liksi ang bawat paghakabng niya. Alam niya na hahaba na naman ang nguso ng kanyang mommy kapag nahuli siya sa usapan nilang oras at lugar. Gusto na rin niyang umuwi para matapos na niya ang kanyang entry at next week na ang pasahan ng entry. She will call Jen kung paano niya maipapadala ang entry sa kanyang kaibigan.
Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa gusto pa naman niya na nandun siya sa mismong araw na iyun at gusto niya na makapunta sa exhibit at makita niya ang iba't ibang mga likha ng kapwa niya artsist.
Pero alam niya na malabo iyun na mangyari, pwera na lang kung tatakas siya sa bahay o magsisinungaling siya sa kanyang mommy na hindi naman na bago pa sa kanya. Siguro mag-imbento na lang siya na may tatapusin na drawing at sa school niya gagawin? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Hindi naman siya magtatagal.
Naalala niya ang laman ng kanyang bag at napangiwi siya habang naglalakad. Kung pwede nga lang niya na itapon ang mga iyun pero alam niya na hindi niya maaari na gawin. Ang tanging magagawa niya ay itago ang mga iyun at ingatan na hindi makita ng kanyang mommy. Pero may kaba pa rin sa kanyang dibdib, dahil sa baka maapektuhan nito ang kanyang final grades.
Babawi na lang ako, ang sabi niya sa kanyang sarili. At kung paano iyun mangyayari ay hindi niya alam lalo pa at hirap talaga siya sa subjects na iyun. Pansamantalang bumagsak ang kanyang mga balikat at nasakluban na naman ng pag-aalala ang kanyang damdamin. Talagang hindi pwedeng maging masaya na lang siya ng tuluyan o dire-diretso, lagi talagang may madilim na ulap na tatakip sa kanyang kasiyahan.
Nakayuko siya na naglakad palabas ng gate at pababa na sana siya ng hagdan nang may kumuha ng kanyang atensiyon nang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Aspen!" ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Huminto siya sa kanyang paglalakad at lumingon siya sa kanyang kanan para tingnan ang taong tumawag sa kanyang pangalan. At ang bumungad sa kanya ay ang papalapit na si Bret at ang malalalim na dimples nito na litaw na litaw dahil sa malapad nitong ngiti.
Ibinaba niya ang isa niyang paa sa steps ng hagdan at doon ay sinabayan na siya ni Bret na naglakad na sa kanyang tabi.
"Uhm tapos na ba ang klase mo?" ang tanong nito sa kanya habang sinasabayan siya nito.
"Uhm oo, kailangan ko nang maghintay sa south shed para sa sundo ko," ang kanyang sagot. At pahapyaw siyang sumulyap kay Bret.
"Uh ganun ba, pwede...ba na sabayan kita?" ang tanong nito sa kanya, "kung okey lang sa iyo at hindi mo ikaiinis, just tell me at aalis na ako."
"No! uhm okey lang," ang kanyang sabi rito. Maayos naman itong nag-approach sa kanya kaya naman maayos din naman niya itong haharapin.
Sumulyap siya rito at nagtama ang kanilang mga mata ni Bret at nakita niyang muli ang malalim na mga dimples nito.

BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...