"So kailan mo pa nasimulan ang sikreto mo na ito?" ang tanong ni Ocean kay Aspen. Nasa isang coffee shop sila sa labas ng isang mall. Naghanap sila ng coffee shop na may mga upuan sa labas nito. He ordered Americano for himself at sa kanya naman ay latte. Sinamahan pa nito ng dalawang bacon and egg sandwich ang kanilang snack na nauna na nilang kainin.
Nagtaas siya ng isang kilay kay Ocean at saka niya ibinaba ang tasa sa ibabaw ng mesa pagkatapos niyang humigop ng makremang kape mula roon.
"Kaya mo ba ako niyaya na magkape ay para i-interrogate mo ako?" ang tanong niya rito habang nakataas ang isa niyang kilay rito.
Napaatras ang ulo nito at napahawak ang mga kamay nito sa sarili nitong mga hita at isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. At ang tunog ng tawa nito ay masarap sa kanyang pandinig. Napakatagal na panahon na hindi siya nakarinig ng hearty laugh at namiss niya ito ng husto.
Muli nitong inilapita ang katawan sa gilid ng mesa at ipinatong nito ang mga bisig at siko nito sa ibabaw ng mesa. He looked at her at saka ito umiling at ngumiti sa kanya. Ang boyish grin nito na dulot sa kanyang pakiramdam ay parang hinahalukay ang kanyang sikmura. At sinabayan pa ng mga mata nitong nagugusot ang sulok sa tuwing ngumingiti ang ito. at doon niya napagtanto kung bakit nahulog ang kanyang mommy rito. Napaka-gwapo ni Ocean.
"No, of course not, I am not interrogating you," ang sagot nito sa kanya habang nakangiti pa rin ang mga labi nito sa kanya. "Gusto ko lang na mag-start ng conversation, ganun, nakakabagot kasi na mag-isa."
Isang ngiti ang iginawad niya kay Ocean at napansin ni Aspen na kanina pa siya napapangiti nito. "Wala ka bang kasama sa bahay? Or friends to hang-out with?" ang kanyang tanong.
"I have a small circle of friends na kadalasan sa gabi ko na nakakausap o nakakasama," panimula nito, "hmmm, busy pa ang mommy mo and I live alone, kaya boring ang buhay ko." Muli itong ngumiti sa kanya, ang ngiti nito na hindi niya mapigilan na hindi sagutin.
"Pareho pala tayo," ang mahinang sambit niya at isang tikom na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga pisngi saka siya tumungo para tingnan ang kanyang kape.
Naramdaman niya ang mga mata ni Ocean sa kanya, "so tungkol sa tanong ko kanina?" ang tanong nito na muli.
Umangat ang kanyang mga tingin at isang matipid ulit na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, "Uhm," ang sagot niya, "medyo matagal na, pero ngayon lang ako kailangan na bumili ng mas malaking canvas paper."
Tumango ito at saka ito muling umatras at may kinapa ito sa loob ng breast pocket ng suot nitong polo at mula roon ay inilabas nito ang isang kaha ng sigarilyo at isang lighter na kulay matte ang kulay.
Mula sa hawak nito sa mga kamay ay umangat ang kanyang paningin at nagtama ang mga mata nila ni Ocean at tinaasan siya nito ng dalawang kilay.
"I hope you won't mind?" ang tanong nito sa kanya bago ito kumuha ng stick ng sigarilyo.
Umiling ang kanyang ulo, no she wouldn't mind, ang sabi ng isipan niya pero hindi na siya nagsalita pa. Kaya siguro namili ito ng isang coffee na nasa labas ng mall at pumwesto pa sila sa labas ng shop dahil sa maninigarilyo ito.
"Hindi ko alam na naninigarilyo ka pala," ang sabi niya at pinagmasdan niya na bumunot ito ng stick ng sigarilyo at tiningnan muna siya nito bago nito inilapit ang sigarilyo sa sarili nitong bibig.
"Uhm, actually hindi na dapat ako naninigarilyo," ang sagot nito sa kanya at tinaasan siya ng dalawang kilay and they exchanged knowing gazes nang mapagtanto niya ang ibig nitong sabihin.
Tumango siya at ngumiti, "your secret's safe with me," ang kanyang mariin na sagot at ngumiti rin si Ocean sa kanya bago nito inipit ang sigarilyo sa dalawa nitong mga labi at saka nito sinidihan gamit ang lighter nito.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Любовные романы"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...