Sinulyapan ni Aspen si Ocean at kumunot ang kanyang noo dahil sa napansin niyang sunud-sunod ang pag-inom at pagsalin nito ng beer sa baso nito. Kulang na nga lang ay tunggain na ni Ocean ang beer mula sa gahiganteng bote.
Naubos na nito ang isang bote and he's on the second bottle habang siya ay hindi pa maubos ang pangatlo niyang baso na sapilitan pa niyang hiningi kay Ocean. Nakaramdam na rin kasi siya ng pagkahilo at dahil sa ayaw niyang tuluyan na malasing ay dinahan-dahan na niya ang kanyang pag-inom at kinain na lamang niya ang inihanda niyang pulutan sana nila ni Bret.
Pinagmasdan na lamang niya si Ocean na ang mga mata ay nakatuon sa palabas na nasa television. Pinagmasdan niyang muli ang mga daliri nitong nakaikot sa hawak nitong baso na muli nitong idinikit sa labi ng baso. Kailan kaya niya muling matitikman ang mga labi nito? Ang kanyang tanong sa sarili habang piangamamsdan niya kung paanong halikan nito ang labi ng baso.
Napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi. At hindi niya maiwasan na makaramdam ng pag-init sa kanyang katawan. Mukhang sumasapi na nga sa kanyang dugo ang init na dulot ng alak. Napansin na rin niya ang pamumula ng mukha at leeg nito at kung lalakbayin ng kanyang mga mata ay sa tingin niya ay hanggang ang dibdib nito ay namumula na rin.
Marahil ay ganun na rin ang kanyang hitsura dahil sa ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha, leeg, at dibdib.
Ocean again reached for the bottle of beer para salinan nitong muli ang sariling baso. At sa isang lagukan ay naubos nito ang laman at napansin na niyang kumurap-kurap ang talukap ng mga mata nito.
"Ocean?" ang bulong niya. Ngunit mukhang hindi na siya nito marinig. Dahil sa isinandal nito ang likod ng ulo sa sandalan ng malambot na armchair at ipinikit nito ang sariling mga mata. His hands were on his stomach while his legs were stretched in front of him and that moment, she thought that he was going to pass out.
Dinampot niya ang remote ng TV para ibaba ang volume. Maybe he needed to rest for a while, ang sabi ni Aspen sa sarili at hinayaan niya si Ocean sa ganun na posisyon.
Nagpasya siyang tapusin ang pinapanood na palabas sa TV pero hindi naman siya makapag-focus dahil inaagaw ni Ocean ang kanyang atensiyon. Mas ginusto niyang pagmasdan ang mukha nito. Kaya naman dinampot na lamang niya ang remote and she turned off the television.
Uumpisahan na sana niya ang magligpit kaya naman tumayo na siya nang marinig niyang magsalita si Ocean. Her head quickly turned to his direction and she saw him struggling to stand up.
"Ugh...I..need to ...go home," ang narinig niyang sambit ni Ocean at walang balance na itinulak nito ang sarili mula sa pagkakaupo nito sa upuan. He was staggering kaya naman para hindi ito mitumba ay agad niyang nilapitan si Ocean para saluhin ang katawan nito. Inilagay niya ang kanyang kanan na kamay sa balikat nito habang nakaikot naman sa bewang ni Ocean ang kaliwa niyang bisig.
He was so strong and heavy lalo pa at wala nang balance ang katawan nito kaya naman malaking effort sa kanyang kaliitan na frame ang alalayan si Ocean. But it didn't matter lalo pa at ramdam niya sa kanyang malambot na katawan kung gaano katipuno ang katawan ni Ocean. She will hold him forever if needed be, basta maramdaman niya lamang ang katawan nito.
"Hindi ka pwedeng mag-drive ng lasing," ang mariin niyang sagot kay Ocean. Habang nakatayo silang nakasandig ang katawan nito sa kanya.
"Hindi ako lasing... napainom lang," ang sagot nito at nagsimula na itong humakbang. Napakunot ang kanyang noo dahil sa bawat paghakbang ni Ocean ay nangangailangan na alalayan niya ito at mas nadagdagan ang bigat na kanyang dadalhin.
"Kailangan ko na umuwi, susunduin ko pa...si Elise," ang dugtong pa ni Ocean at nakaramdam ng kirot ang kanyang puso nang marinig niya iyun. Ang mommy pa rin niya ang nasa isipan nito.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...