Chapter 40

1.3K 101 44
                                    


Pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata at hindi niya iyun pinahid. Hinayaan niya na malayang dumaloy ang sariwang luha mula sa kanyang mga mata at dumaloy sa kanyang pisngi at sulok ng kanyang bibig. She tasted the salty water in her lips while she stared at her papa's grave. Naglakad siya palapit at saka niya ibinaba ang kanyang sarili para maupo sa lupang kinumutan ng Bermuda na matingkad ang pagkaka-luntian.

Hinaplos niya ang kulay itim na granite na lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng kanyang ama. At doon ay inilatag niya ang bungkos ng mga bulaklak na kanyang binili sa daan patungo sa sementeryo.

"Papa, nami-miss na kita," ang lumuluha niyang bulong sa kanyang ama while her fingers traced the carved letters of his name. "Birthday ko kahapon, at sana naalala mo pa rin ang kaarawan ko."

"Naalala ko kapag birthday ko, sinusurpresa mo ako palagi," ang sambit niya at mahina siyang natawa, at doon na niya pinahid ng likod ng kanyang kamay ang luha sa kanyang mga mata at pisngi.

"Pero aaminin ko sa iyo ngayon na, nagkukunwari lang ako na nasurpresa mo ako, kasi, alam ko naman kung saan tayo pupunta," ang kanyang pag-amin sa puntod ng kanyang papa at isang mahinang tawa ang pinakawalan niya.

"Pero ganun pa man ay, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga araw na iyun, dahil sa ikaw...dahil sa naalala mo ang espesyal na araw na iyun para sa akin." Ang pagpapatuloy niya at nang maalala na naman niya ang kanyang pag-iisa kahapon ay muling kumawala ang mga sariwang luha sa kanyang mga mata.

"Papa...mag-isa lang ako kahapon," ang sambit niya at patuloy siyang lumuha at parang maliit na bata siyang nagsusumbong sa kanyang ama na pinaniniwalaan ni Aspen na nakikinig sa kanya. Kailanman ay walang sandali na hindi siya nito pinakinggan. "I thought na...magiging iba na ang buhay ko, akala ko mapupuno na ng saya kasi...kasama ko na ang lalaking mahal ko papa...pero," at isang pagak na tawa ang kanyang muli na pinakawalan.

"Si mommy pa rin ang mahal niya," ang malungkot niyang sambit at isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi, "ang iyung muse, alam ko hindi mo rin siya makalimutan."

"Ang hirap...ang hirap talaga makipag-kumpitensiya sa kanya," ang dugtong pa niya at mas bumigat pa ang kalungkutan na kanyang nadarama.

"Papa...sorry kung...hindi ako tumupad sa usapan, na kay mommy ako titira hanggang sa maka-graduate na ako," ang paghingi niya ng paumanhin. "Pero, siya na rin naman ang bumitaw sa akin at okey lang sa akin iyun papa. Living with her was not like living in heaven. Kahit pa may mga struggles tayo noon papa...pero kailanman ay hindi ako nakaramdam na nag-iisa lang ako."

"I've never felt so alone, ang baby ko na lang ang nagbibigay sa akin ng pag-asa na gumising sa umaga, kahit papaano ay naiibsan ang pangungulila ko kasi alam ko na may baby ako sa sinapupunan ko." Ang pagpapatuloy niya at inilapat niya ang kanyang kaliwang palad sa kanyang hungkag na tiyan.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at saka niya pinahid na muli ang kanyang mga mata at pisngi. Saka niya dinampot ang hugis kampana na kulay dilaw na mga bulaklak na nakasaboy sad among kanyang kinauupuan at tiningnan niya iyun. At saka niya inilatag sa lapida ng kanyang papa.

"I'll stay for a while, samahan natin ang isa't isa," ang kanyang bulong dito. At saka niya hinagkan ang kanyang dalawang daliri ng kanyang kaliwang kamay at idinikit niya iyun sa pangalan ng kanyang papa.

Nanatili siyang nakaupo sa lapag at tanging damo ang nagsilbing sapin ng kanyang pwetan. Ilang sandali pa ay binuksan niya ang kanyang bag at dinukot niya ang kanyang wipes para punasan ang kanyang mukha dahil alam niyang may bakas na ng luha ang kanyang pinsgi. Alam din niyang namumugto ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang ilong kaya naman kahit papaano ay kailangan niyang malinisan ang sarili.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon