Kukunin ang mga gamit? Ang pag-uulit ng isipan ni Aspen. "K-kunin ang mga gamit ko?" ang kanya nang sabi kay Ocean. at pinagmasdan niya na binubuo nito ang mga boxes na kanilang binili kanina lamang sa hardware.
"Yes," ang matipid na sagot nito sa kanya at saka nito inilapag ang unang box sa ibabaw ng kanyang kama.
"P-pero bakit?" ang kanyang tanong na may bahid ng pagtataka. "Bakit kailangan na sa bahay mo ako tumira?"
Huminto si Ocean sa ginagawa nitong pagtayo ng mga nakatuping kahon at saka ito lumingon sa kanya at nakita niyang pinisil ni Ocean ang buto ng ilong nito.
"Because you are my responsibility now, dinadala mo ang anak ko at ako na ang tatayong...ako na ang aako ng responsebilidad patungkol sa iyo at sa anak mo...natin," ang sagot ni Ocean sa kanya.
Bumilis ang tibok ng puso ni Aspen, magsasama na sila ni Ocean? totoo nga ba ang kanyang narinig? Ang mga sinabi nito? Magsasama na silang dalawa? Ang tanong ng kanyang isipan at hindi niya maiwasan na madama ang labis na kasiyahan. Ang lalaking hinahangad niya ay mapapasakanya na. Iyun ba ang pinag-usapan nila ng kanyang mommy kanina? At iyun ang gusto niyang malaman, gusto niyang malaman ang damdamin ng kanyang mommy.
"Anong...anong sabi ni mommy?" ang kanyang tanong habang nananatili pa rin siyang nakatayo malapit sa kama at pinagmasdan niya si Ocean na nagpatuloy na sa ginagawa nito.
Isang buntong-hininga ang narinig niyang pinakawalan ni Ocean, "she wants you out of here bago pa siya dumating," ang sagot ni Ocean sa kanya.
Tumikom ang kanyang bibig at saka siya tumango, tanggap niya kung bakit ganun na lang ang pagkamuhi ng kanyang mommy sa kanya. Pero...pareho lang sila ng nadarama.
"Well, what would I expect from her," ang kanyang sagot at saka siya naglakad palapit sa built-in closet para buksan ang dalawang pinto nito at saka niya isa-isang inilabas ang kanyang mga damit. Kinuha din niya ang nag-iisa niyang luggage na ginamit niya noon at mukhang sapat naman na iyun para sa kanyang mga damit. Wala naman siyang masyadong gamit.
"We can't blame her Aspen, walang gusto na mangyari ito," ang sagot ni Ocean sa kanya. Lumingon siya kay Ocean na nakatalikod sa kanya nang sandaling iyun at saka pumihit ang kanyang katawan para muling humarap sa closet kung saan kinukuha niya ang kanyang mga natitirang damit.
"I want it," ang kanyang mariin na sagot kay Ocean habang nakatalikod siya rito at isang malakas na buntong-hininga ang kanyang narinig na pinakawalan ni Ocean.
"Oh, please Aspen don't say that," ang narinig niyang pakiusap ni Ocean mula sa kanyang likuran.
Tumikom ang kanyang mga labi at mabilis na pumihit ang kanyang katawan para harapin si Ocean habang hawak niya sa kanyang mga braso ang kanyang mga damit. Nakatalikod pa rin ito sa kanya kaya naman humakbang siya palapit sa kama at doon ay inihagis niya ang kanyang mga damit sa ibabaw nito at tiningnan niya si Ocean.
"Don't say what? Na mahal kita?" ang kanyang hamon na tanong kay Ocean at nakita niyang tumikom lang ang mga labi nito at hindi siya nito tinapunan ng tingin. She watched him put some of her clothes sa loob ng box na itinayo nito at nakaramdam ng pagkainis si Aspen nang sandali na iyun.
"Ayaw mo na mahalin kita pero gusto mo na magsama tayong dalawa," ang kanyang giit kay Ocean.
"So ano ako sa iyo? Ngayong sa bahay mo ako titira?" ang hamon niyang tanong kay Ocean. Nagpatuloy ito sa ginagawa nito at hindi ito sumagot, kaya naman nakaramdam siya ng inis. Hinablot niya sa kamay nito ang kanyang damit at doon ay nakuha niya ang atensiyon ni Ocean. He looked at her dumbfounded na tila ba hindi nito inakala ang kanyang gagawin.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...