Excited na umakyat si Ocean sa mga baitang ng hagdan paakyat sa entrance ng building ng college ni Aspen. Laking pasalamat niya na umabot siya sa oras na sinabi ni Aspen na paalis na ito ng school. His legs have wings and it flew him on the landing at doon ay naghanap siya ng kanyang puwedeng puwestuhan sa kanyang paghihintay. Naglakad siya patungo sa tabi at binunot niya ang kanyang telepono sa loob ng harapan na bulsa ng kanyang pantalon. He was hoping na naabutan pa niya si Aspen dahil sa gusto niya itong surpresahin kaya naman para malaman kung naroon pa si Aspen sa loob ng building ay kinailangan niyang padalhan ito ng text message.
"Nasa school ka pa?" ang tanong niya rito.
"Palabas na ako, ng building bakit?" ang sagot nito sa kanya. At isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya nang malaman niyang naabutan niya ito.
"Babe I am so sorry, I won't be able to come home tomorrow," ang kanyang sagot na mensahe habang nangingiti siya sa kanyang sarili. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakatanggap ng sagot at naisip niya na nagalit siguro si Aspen sa kanyang isinagot.
"It's okey," ang matipid nitong sagot sa kanya at alam na ni Ocean na galit na nga ito. Pero sa halip na mag-alala ay mas lumapad pa ang ngiti sa kanyang mga labi. He didn't answer her last message at kanyang ibinalik ang kanyang phone sa loob ng kanyang bulsa.
Isinandal niya ang kanyang balakang sa metal railings ng handrails ng hagdan. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at ganun din ang kanyang mga binti. And he waited patiently for Aspen.
Naalala niya ilang oras niyang binuno na biyahe at halos paliparin niya ang kanyang sasakyan sa high-way para lang makaabot siya sa university ng bago mag-five ng hapon. Naalala niya rin si Elise kung paanong nakiusap nga ito sa kanya kanina para hindi siya umalis. He tried his very best to be calm para naman kapag hinarap niya si Elise ay hindi halata na nakakaramdam na siya ng inis dito.
"I'm sorry pero may obligasyon ako sa mag-ina ko at iyun ay ang makasama ko silang dalawa," ang mariin niyang sagot dito, "gusto mo bang iwan kita ng pera para may pambayad ka ng sasakyan pabalik?" ang tanong niya rito at nakita niyang umatras ang ulo ni Elise. She watched her lips pursed and her brows frowned on him while she crossed her arms in front of her chest.
"Anong tingin mo sa akin walang pera? iniinsulto mo ba ako?" ang galit na singhal sa kanya ni Elise. Umiling ang kanyang ulo at mahina siyang natawa.
"No Elise I am not insulting you, kung sa tingin mo kasi na may obligasyon pa rin ako sa iyo bilang ex ay iyun lang ang kaya kong mai-offer sa iyo," ang kanyang sagot dito.
"Well, hindi ko kailangan ang offer mo, umalis ka na!" ang bulyaw nito sa kanya.
"Thank you, ingat sa pag-uwi," ang kanyang sagot dito at binigyan niya ng malapad na ngiti si Elise bago niya ito muling tinalikuran at nagmamadali siyang naglakad patungo sa kanyang Hummer.
At iyun nga ang mga salitang namagitan sa kanila ni Elise. Ayaw naman niya na pagsalitaan ito ng ganun pero, may priority na siya sa buhay at una na dun si Aspen at ang anak nila at hindi na siya gagawa pa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ni Aspen.
At tulad ng laman ng kanyang isipan ay iniluwa ng mga salamin na pintuan ang kanyang hinihintay na si Aspen. At tulad nga ng inaasahan niya ay bagsak ang mga balikat nitong may nakasabit na backpack. She was frowning and her lips were pursed at mukha ngang malungkot ito. Sandali na nakaramdam ng kirot ang kanyang puso nang makita niya ang lungkot sa mukha ni Aspen. Ngunit alam naman niyang hindi ito mag-iisa dahil naroroon na siya. Kaya naman kumurba sa kanyang mga labi ang kanyang ngiti at mukhang tinawag nito ang atensiyon ni Aspen dahil pagkahakbang nito palabas ng exit ay agad na lumingon ito sa kanyang direksiyon. She stopped short on her tracks at nagtama ang kanilang mga mata sa likod ng suot nitong aviator sunglasses. At mas lalo pang lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niyang namilog ang mga mata gayun din ang mga labi ni Aspen sa pagkakabigla nitong makita siya.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...