Inilagay ni Ocean ang isang t-shirt, polo, at isang pantalon sa loob ng kanyang gym bag kasama ang iba pa niyang essentials. Hindi man niya balak na mag-overnight stay sa Villa Elena ay nakagawian na niyang magdala ng extra clothes just in case na kailangan niyang magpalit ng damit at hindi rin nawawala ang kanyang toiletries.
Hinila niya ang zipper ng may kabagalan, sa nakagawian niyang paghila ng zipper kung kailangan nyang isara. Hindi niya alam kung bakit tila mabigat ang kanyang kamay nang sandali na iyun. Para bang ayaw niyang isara ang kanyang bag at gusto niyang ilabas na lang muli ang kanyang mga gamit at bumalik na lang sa pagkakahiga niya sa kama at doon ay magpa-ikot-ikot siya habang iniisip si Aspen na nasa kabilang silid lang.
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at pinisil ng kanyang daliri ng kanan niyang kamay ang buto ng kanyang ilong sa gitna ng kanyang mga mata.
He was worried about Aspen kapag iniwan niya ito na mag-isa sa bahay. Pero, hindi naman niya pwedeng isama si Aspen, masyadong malayo ang biyahe at tranaho ang kanyang gagawin, maiinip lang ito kung ikukulong din lang niya ito sa isang hotel room. At isa pa, ayaw niyang kumikha na naman ng tensiyon lalo pa at naroon din si Elise. Napaka-sariwa pa ng sugat na idinulot nila ni Aspen sa mommy nito.
"Hindi ako magtatagal kaya dapat ay umalis ka na," ang kanyang sambit sa sarili at dinampot na niya ang kanyang gym bag. Sumulyap siya sa labas mula sa salmin ng bintana niya sa silid na nakapinid at nakita niyang madilim pa sa labas. The sky was still of dark blue and gray in color at alam niya na maaga pa. Tiningnan niya ang oras mula sa suot niyang relo sa kanyang kaliwang bisig. It was almot four in the morning at sapat na ang oras na iyun para bumiyahe siya pa-Maynila para katagpuin si Elise.
He sent her a text message na on the way na siya at hindi na niya hinintay pa na sumagot ito sa kanya. Dinampot niya ang kanyang gym bag at saka niya pinasadahan sandali ng tingin ang kanyang silid para tingnan he missed anything of importance na kakailanganin niya sa kanyang pagbiyahe. At ganun na rin kung may naiwan siyang naka=on na appliances sa loob ng kanyang silid.
When he thought everything was secure ay lumabas na siya ng kanyang silid. at naglakad siya sa malapad na pasilyo at nang marating niya ang tapat ng pintuan ng silid ni Aspen ay huminto siya sa harapan nito. ayaw man niyang istorbohin ang tulog nito, pero ayaw din naman niyang umalis na hindi siya nagpapaalam lalo pa at may mga ibibilin siya rito. kahit pa alam niya na babalik din naman siya mamayang gabi ay gusto niya muna na magpaalam dito. He wanted to make sure she's going to be alright alone here in his house.
Ibinaba niya ang kanyang bag sa tabi ng kanyang paa at marahan niyang kinatok ang nakapinid na pintuan at saka niya sinabayan ng mahina ngunit may riin na pagtawag niya sa pangalan ni Aspen.
"Aspen?" ang kanyang pagtawag na sinabayan niya ng pagkatok. Hindi niya sinubukan na pihitin ang knob ng pinto. Ayaw niyang may bumungad sa kanya na eksenang tatanim na naman sa kanyang isipan at hindi na naman siya patatahimikin.
Ilang segundo pa ang kaniyang hinintay sa harapan ng pinto nang bumukas ang pinto para sa kanya. At bumati sa kanya si Aspen na mukhang gulo-gulo ang buhok at hindi pa maibuka ang mga mata na halatang kababangon lang nito and obviously he woke her up.
"Uhm. I'm sorry kung naistorbo kita but...I wanted to speak to you before I leave," ang kanyang sabi rito. Pinagmasdan niya si Aspen kung paanong sinuklay ng kanan nitong kamay ang buhok nitong tumabing sa mukha nito at doon niya mas lalong napansin ang hba ng buhok nitong hanggang bewang.
Tumango ang ulo nito sa kanya at hinila pa nito ang pinto para lumaki ang pagkakabukas nito at doon niya napansin na tanging malaking t-shirt at gym shorts lang ang suot nito anf from the swell of her breasts ay alam niya agad na wala itong suot na bras.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...