"Thank you at hindi mo binastos ang bisita ko Aspen, or rather ang boyfriend ko, sa dinner kagabi," ang sabi ng kanyang mommy sa kanya.they were inside her car para ihatid siya sa school.
"Why should I? Mukhang matino naman siya, and my sense," ang kanyang sagot, "kaya ka niya siguro nagustuhan kasi open-minded siya." Ang kanyang pang pahabol na pang-iinis dito at ipinaling pa niya ang kanyang mukha sa harapan ng bintana ng passenger door para tumingin sa labas. Pero sa sandaling iyun ay hindi ang mga natatanaw niya sa labas ang nakikita ng kanyang isipan. Ang kanyang isipan ang nagsilbing mga mata niya at doon ay nakita na niya kung anong reaksiyon ng kanyang mommy. She knew and she can feel that her eyes were shooting daggers on her.
"I am so fed- up with you!" ang galit na sigaw ng kanyang mommy sa loob ng sasakyan at inihinto na nito ang sasakyan. Nasa loob na sila ng university campus pero may kalayuan pa iyun sa building ng kanyang college.
Pumihit ang katawan nito para humarap sa kanya, siya naman ay nanatili lang na nakasandal ang likod sa passenger seat pero ang kanyang mga mata ay diretsong nakaharap sa windshield.
"Napakatabil talaga ng dila mo! Napaka-tigas ng ulo mo! Hindi ko nga alam kung anak talaga kita! O talagang nakuha mo lahat ng ugali mo sa ama mo!" ang galit na bulyaw nito sa kanya.
"Ugh, baka naman lahat ng ugali ko nakuha ko sa iyo kaya galit na galit ka," ang sagot niya ngunit kaiba s akanyang mommy na halos lumabas ang ugat sa leeg siya ay nanatili na malumanay at kalmado.
"Huh, hindi ganyan kagaspang ang ugali ko Aspen, hindi ako sumasagot ng ganyan sa magulang ko," ang sagot nito sa kanya na may buong pagmamalaki.
"I know, kaya nga sinaktan mo ang daddy ko," ang bulong niya at doon ay diretso na niyang tiningnan ang mga mata ng kanyang mommy para makita niya ang magiging reaksiyon nito. At nakita niya ang panandalian na sakit sa mga mata nito pero agad nitong naikubli sa galit na nakatuon sa kanya.
"Get out," ang gigil na sambit nito sa kanya. Ni hindi bumuka ang mga labi nito nang magsalita ito ng sandaling iyun.
"Glad to oblige," ang kanyang sagot dito at niyakap na niya ang kanyang bag at plastic case at drawing tube pero hindi pa niya nabubuksan ang pinto ng sasakyan nang muli itong magsalita.
"And also, about last night? Huwag mong isipin na nakahanap ka ng kakampi mo kay Ocean, I am telling you na hindi mababago ni Ocean ang pasya ko with regards to your course, wala pa rin siyang karapatan na makialam pagdating sa iyo at susunod sa gusto ko si Ocean. Ako ang masusunod, ako Aspen...and I will forbid na makahawak ka pa ng kahit anong painting materials," ang banta nito sa kanya.
Nagkiskisan ang kanyang mga ngipin sa pagpipigil niya ng kanyang panggigigil ng sandaling iyun. Ramdam niya ang panlalaki ng butas ng kanyang mga ilong at pinagmasdan niya ang ngisi na kumurba sa mga kulay pula na labi ng kanyang ina. Senyales na ipinapakita nito sa kanya na ito pa rin ang mananalo.
Hindi na siya sumagot pa at binuksan niya ang pinto saka niya itinulak ito kasunod ng kanyang katawan at malakas niyang isinara ang passenger door. At katulad ng nakagawian ay walang lingon-likod siya na naglakad. Mahaba-haba ang kanyang lalakarin kaya naman binilisan niya ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa. Hindi na nga siya isa mga bright na estudiyante ayaw pa niya na matuon ang atensiyon sa kanya nang dahil sa pagiging late niya.
Inayos niya ang pagkakasabit ng tube sa kanyang kanan na balikat ganun din ang strap ng kanyang backpack. Habang yakap niya ang kanyang plastic case kung saan nilalaman ang iba pa niyang importanteng gamit.
She walked quickly nang maramdaman niya ang pagvibrate ng kanyang phobe sa loob ng bulsa ng suot niyang maong na pantalon. She fished it out of her front pocket at tiningnan niya ang kanyang screen para makita kung sino ang tumatawag sa kanya. It was Jen, isa sa dati niyang kaklase sa fine arts sa kabilang university at nakaramdam siya ng kagaangan ng kanyang loob ng sandali na iyun dahil sa kanyang kaibigan. Pinindot niya ang answer key at saka niya idinikit ang phone sa kanyang tenga.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...