Sandaling nabahiran ng lungkot ang kasiyahan na kanyang nadama dahil sa tinangghihan ni Ocean ang alok niyang puamsok muna ito sa loob ng bahay. Gusto niya sanang isipin na pagod na ito kaya naman hindi na nito ginusto pa na pumasok muna sandali sa loob ng kanilang bahay at mas gusto na nitong umuwi ng bahay para makapagpahinga. Pero mayron siyang kakaiba na nadarama, tila ba kasi nang pabalik na sila mula sa exhibition ay unti-unti nang naging tahimik at malayo si Ocean sa kanya.
Kaya naman hindi na niya naiwasan at napigilan pa ang kanyang sarili na hindi yakapin si Ocean hindi lang dahil sa labis na pasasalamat niya rito, kundi para maipadama niya kay Ocean kung gaano niya ito kamahal. Gusto na niyang sabihin kay Ocean kung gaano niya ito kamahal, pero nang maramdaman niya at mapansin niya ang paglayo ni Ocean ay hindi niya muna ito ginawa. Hindi niya muna gagawin iyun hangga't hindi pa nahuhulog ang loob ni Ocean sa kanya. Baka kapag sinabi na niya kay Ocean ang tunay niyang nararamdaman ay tuluyan na itong lumayo sa kanya.
Tinapunan pa muna niya ito nang tingin at nakita nga niyang diretso na nakatingin ang mga mata ni Ocean sa windshield. Kaya naman binawi niya ang kanyang mga mata kay Ocean at binuksan na niya ang pinto ng passenger side pero hindi para lumabas dahil sa muli niyang pinihit ang kanyang katawan para humarap kay Ocean at tinawag niya ang pangalan nito.
"Ocean?" ang pagtawag niya sa pangalan ni Ocean para lumingon ito at hindi naman siya nito binigo. Mabilis itong lumingon sa kanya at kinuha na niya ang pagkakataon na iyun. Mabilis din niyang inilapit ang kanyang mukha para salubungin ang pagharap ng mukha ni Ocean sa kanya.
"ye,"- at hindi na nga nito naituloy ang sasabihin nito dahil agad na kumunekta ang kanyang labi sa labi ni Ocean. She moved her body forward at inilapat niya ang kanyang labi sa labi ni Ocean at doon niya naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
The kiss was quick ngunit naimprenta na ang tekstura ng labi ni Ocean sa kanyang mga labi. It was soft and firm and warm against her soft lips. Mabilis na binawi ni Ocean ang labi nito mula sa pagkakalapt sa kanyang labi at nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya ang labis na gulat at labis na pagtataka sa mga mata nito.
Hindi ito nakapagsalita at nanatili lang na nakapako ang kanilang mga mata at kinuha niyang muli ang pagkakataon na iyun at muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Ocean na hindi naman umiwas sa pagkakataon na iyun. Tila ba natulala na ito at napako sa pagkakaupo.
Inilapit niyang muli ang kanyang mga labi at sa pagkakataon na iyun ay hindi ang mga labi nito ang kanyang hinagkan. Inilapit niya ang kanyang mga labi sa tenga ni Ocean na hindi gumawa ng anumang pagkilos. Dumikit ang kanyang kaliwang pisngi sa kaliwang pisngi ni Ocean saka niya inilapit ang kanyang mga labi sa tenga nito para bumulong.
"Goodbye," ang kanyang mahinang bulong na tila ba sagitsit lang ng hininga ang lumabas sa kanyang bibig. Binawi niya ang kanyang pisngi at sinalubong niya ang mga mata nio Ocean na nanatiling nakatingin sa kanya ngunit walang anumang salita o tunog man lang ang inilabas ng mga labi nitong bahagyang nakabuka nang sandali na iyun.
Isang matamis na ngiti ang iginawad niya kay Ocean bago niya ito tinalikuran para makababa na siya ng sasakyan nito at saka niya marahan na itinulak ang pinto ng passenger side para isara ito. Naglakad siya papasok ng gate hanggang sa marating niya ang loob ng bahay na hindi na niya ginawa pang lingunin si Ocean kahit pa kung titingnan ay isang bold move ang kanyang ginawa kanina, ay hindi niya maitatanggi ang kaba na kanyang naramdaman. He never anticipated kung ano bang magiging reaksiyon ni Ocean sa kanyang ginawa na mukhang natulala lang sa nangyari kanina.
Nanatili pa rin ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib hanggang sa makapasok na siya sa loob ng kanyang silid. Isinara niya ang pinto kasunod ng pagsandal ng kanyang likod sa nakapinid na pintuan at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi nang sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romantizm"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...