"Good morning," ang bati ni Ocean kay Aspen nang bumaba na ito mula sa second-floor ng bahay. Kahit pa pagud na pagod siya kahapon at kahit pa nilagukan na niya ng dalawang baso ng kanyang vintage na whiskey ay hindi pa rin niya nagawang matulog ng mahimbing. Yes, nakatulog nga siya pero may mga pagkakataon na nagigising siya sa dis-oras ng gabi at tititig lang siya sa kisame at beams ng kanyang silid hanggang sa pagbigyan siya muli at dalawin ng antok at makakatulog siyang muli para lang maya-maya ay muling magising.
"Morning," ang matipid at walang gana na sagot ni Aspen sa kanya at napansin niya na nakasimangot na naman ito. nagtaas lang siya ng kanyang dalawang kilay at saka niya inilapit ang tasa sa kanyang bibig para hindi nito mahala ang buntong-hininga na kanyang pinakawalan.
Naupo si Aspen sa isa sa mga silya kaharap ng kanyang malapad na dining table. At pwede ka ng mag-ipit ng piso sa pagitan ng mga kilay nito dahil sa pagkakasalubong ng mga iyun.
"Gusto mo ba ng kape?" ang kanyang tanong kay Aspen na nakabusangot ang mukha. Umiling lang ang ulo nito at hindi ito sumagot. Kaya naman muli niya itong tinanong.
"Gatas? Oh, wala nga pala akong gatas, siguro, mamaya dumaan na tayo sa supermarket at mag-stock na tayo ng pagkain, para naman kahit kumakain tayo sa labas kapag ginutom ka may p'wede ako na lutuin," ang sabi niya kay Aspen na mukhang nakuha niya ang atensiyon nito sa huli niyang sinabi.
"Nagluluto ka?" ang kunot noo nitong tanong sa kanya at sa reaksiyon ng mukha nito ay tila ba hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Uhm, hindi naman madalas, kapag nandito lang ako sa bahay during weekends at hindi ko kasama si E,"- at hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil ibabalik na naman niya ang nakaraan. Ngunit alam niyang balewala na rin dahil sa narinig na rin iyun ni Aspen at muling sumimangot ang mukha nito.
"Si Elise, bakit hindi mo ituloy? Really it won't offend me, kahit paulit-ulit mo na sabihin," ang sagot ni Aspen, "gusto mo ako na gumawa para sa iyo, Elise, Elise, Elise, Elise, Elise,"-
"Aspen,"-
"Elise,"-
"Aspen,"-
"Elise,"-
"Please?" ang kanyang mariin na pakiusap at doon ay tumigil ito. Pero nanatili ang mga mata nitong may galit pa rin na nakatuon sa kanya.
Napabuntong-hininga siya, "Aspen, again I will ask for your forgiveness, aaminin ko na kasalanan ko ang lahat at patawad din kung iba ang interpretasyon mo sa mga sinabi ko kagabi, but, I just want to make things clear, na, what meant about you being my responsibility ay ang pangkalahatan na, responsebilidad kita at responsebilidad ko rin ang anak natin, kaya naman kung anumang ibibigay ko sa iyo ay hindi lang para sa bata kundi para sa iyo na rin, please," ang kanyang paliwanag at pakiusap kay Aspen na nanatili pa rin na tahimik.
"Nag-alala lang talaga ako sa iyo nang husto kahapon,"-
"Ugh, huwag ka ng magsalita," ang putol sa kanya ni Aspen at itinukod nito ang mga siko sa ibabaw ng mesa saka sinalo ng kamay nito ang sarili nitong noo.
"Hindi mo man lang ba hahayaan na marinig ang paliwanag ko?" ang kanyang tanong at nakakaramdam na siya ng frustration at mababakas na iyun sa kanyang boses.
"Ugh, huwag...ka...nang magsa,"-
"Papaano magiging malinaw sa iyo ang lahat? Kung sa tuwing magpapaliwanag ako,"- hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin dahil sa dali-dali na tumayo si Aspen at halos liparin nito ang dining patungo sa kusina kung saan pumwesto ito sa harapan ng kitchen sink at doon ay narinig niya ang malalakas na pagduwal nito.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...