Chapter 33

1.3K 98 82
                                    


He hasn't been able to sleep well that night. Nang ihatid niya sina Aspen at Elise sa bahay nito kahapon and the atmosphere inside his car was very awkward. Naalala niya kung gaano nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. At pagkahinto niya ng kanyang sasakyan sa harapan ng bahay ng mga ito ay tahimik na bumaba ng kanyang sasakyan sina Aspen at Elise at walang lingon-likod na pumasok ang dalawa sa loob ng bahay nito. He stayed there for a while, at pinakiramdaman niya kung magkakaroon pa ng pagtatalo sa loob ng bahay ngunit wala naman na siyang narinig na komosyon sa loob kaya napagpasyahan na niyang lisanin ang bahay. Pero mabigat ang kanyang pakiramdam nang sandaling iyun habang papalayo ang kanyang sasakyan at iniwan niya si Aspen sa bahay. Something was bugging him the moment he left Aspen in Elise's house.

At pagkabalik niya sa kanyang bahay, all he did for the whole night was think. Hindi niya alam kung anong susunod niyang gagawin. He doesn't even think of having a relationship with Aspen, God! She's so young! Ang sigaw ng kanyang isipan. Pero may anak na siya kay Aspen, ayaw man niyang tanggapin na magkaroon ng relasyon kay Aspen ay hindi niya pwedeng itanggi na si Aspen ang ina ng magiging anak niya at hindi niya pwedeng pabayaan na lang ang dalawa sa poder ni Elise. He has a responsibility now with Aspen at sa ipinagbubuntis nitong anak nilang dalawa.

Naalala niya ang sinabi ni Aspen sa kanya na ginusto nito ang nangyari nang gabing iyun. Hindi niya alam kung sinadya ba ni Aspen na may mangyari sa kanila pero ang natatandaan niya ay nagising siya nang gabing iyun nang may maramdaman siyang humahalik sa kanyang mga labi at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Aspen. He thought it was a dream, but he cannot deny the truth that he too wanted that to happen dahil sa inaakala niyang panaginip ay hinayaan niyang si Aspen ang mamayani na kasama niya while thay made love. He wanted it to be Aspen. But still the reality is, she's too young for him.

"Pero may anak na kayong dalawa," ang malakas na sabi niya sa kanyang sarili habang nagmamaneho siya nang umagang iyun para magtungo sa bahay nina Aspen.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at nanag makita na niya ang bungalow house ni Elise ay itinabi na niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay nito at katabi ng sasakyan ni Elise. Obviously naroon pa si Elise sa loob ng bahay nito.

Bumaba siya ng kanyang sasakyan at sa pagkakataon na iyun kung noon ay nagdo-doorbell siya sa labas ng gate, sa sandali na iyung iyun ay inabot na niya ang lock sa loob ng wicket gate at dire-diretso na siyang naglakas palapit sa main door ng bahay. At sa harapan ng nakapinid na pinto ay kinatok niya ng marahan ang pinto.

"Uhm good morning," ang pormal na bati ni Ocean kay Elise nang pagbuksan siya nito ng pinto. "I came for, Aspen... ihahatid ko na siya sa kanyang school." Ang dugtong pa niya.

Nakita niyang tumikom lang ang labi ni Elise at binuksan nito ang pinto para sa kanya. Humakbang siya papasok at nakita niya si Aspen na nakatayo sa may kusina sa tabi ng dining table. Agad niyang tiningnan ang pisngi nitong kahapon ay pulang-pula. Though hindi na iyun sing-pula katulad kahapon ay mababakas pa rin ang latay sa pisngi nito. Nakaramdam ng inis si Ocean at sandaling tumikom ang kanyang mga labi bago siya napabuntong-hininga kasunod ng pagtatanong niya kay Aspe.

"Ready ka na ba?" ang tanong niya kay Aspen.

"Hindi mo na ako kailangan na ihatid," ang mariin na sagot sa kanya ni Aspen at dama niya ang pagmamatigas nito.

"I have to, baka mangyari na naman ang nangyari kahapon, mahirap na kung bibiyahe ka na mag-isa," ang kanyang sagot, "hihintayin kita rito kung hindi ka pa,"-

"Kukuha lang ako ng gatas sa ref," ang mabilis na sagot ni Aspen sa kanya at saka ito tumalikod para buksan nito ang refrigerator at doon ay kumuha ito ng maliit na pakete ng gatas.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon