"Oo nga eh, ang laki ng natalo ko sa pustahan, kasama na ang per ani Bret but inga at hati kami dun, kundi nasapak ko na ito," ang sabi pa nito kay Bret, "pero nakabawi naman ito sa isa, ha ha ha! yung sa condom," ang natatawang sagot ng lalaking kasama nito sa lamesa. Hindi naman sumagot si Bret sa mga pang-aalaska ng mga kaibigan nito pero napansin niya na gumalaw ang ulo nito nang umiling si Bret.
Pustahan? Pinagpustahan siya? Ang sigaw ng kaniyang isipan. Si Bret na inakala niyang kanyang kaibigan, si Bret na isinama pa niya sa puntod ng kanyang papa? Si Bret na si...Terrence! Ay Isa palang manloloko. At umalingawngaw sa kanyang tenga ang mga sinabi ni Ocean sa kanya. Ang paulit-ulit na sabi nito sa kanya na layuan si Bret dahil wala itong tiwala rito. At hindi nga ito nagkamali at siya ay parang sinampal ng kanyang pagiging mapagtiwala sa isang lalaking nagpakita sa kanya ng kabutihan. Hindi na bale kung hindi talaga siya nito gusto bilang babae, wala na siyang pakialam pa sa bagay na iyun dahil sa hindi naman siya interisado kay Bret, ngunit ang magkunwari ito na kaibigan niya? ang magkunwari na dinadamayan siya nito noong mga panahon na malungkot siya? Ay puro kasinungalingan lang.
"Eh mukhang pursigido pa rin naman na maipanalo ni Bret yung pustahan hanggang ngayon patuloy sa panliligaw, mas malaki na taya ko, mukhang bibigay na yata, ano Bret? mas malaki kapag naikama mo, ha ha ha!" ang narinig niyang sambit pa nito at parang pinompiyang ang kanyang mga tenga nang marinig niya ang mga salitang iyun na sinamahan pa ng malakas na tawa na isang malaking insulto sa kanya.
At muli ay naalala niya ang gabing niyaya niya si Bret sa kanilang bahay noon para makipag-inuman at sa sandaling iyun ay laking pasalamat niya na dumating si Ocean at hinding-hindi niya pagsisisihan ang gabing iyun na ibinigay niya ang kanyang sarili kay Ocean nang dahil sa pagmamahal niya rito at hindi siya nagkamali na maibigay ang kanyang katawan nang dahil sa kalasingan at sa maling lalaki.
At doon na naputol ang pisi ng kanyang paghihintay sa likod ng mga ito. ang kapal ng mga mukha! Siya ang ginawang pustahan! Ang gigil na sabi ng kanyang isipan. At lahat ng galit na nararamdaman niyang naipon sa kanyang dibdib ay sumambulat nang sandaling iyun at si Bret at mga kaibigan nito ang kanyang mapagbubuhusan ng galit.
Gigil siyang humakbang papalapit at mula sa likuran ng mga ito ay tumayo siya at hinawakan niya ang kanyang drawing tube at gigil niyang inihampas iyun sa ulo ng mga lalaking narinig niyang pinag-usapan at pinagtawanan siya.
"Aw! Shit!" ang hiyaw ng mga ito na nagsipag-tayuan sa kinauupuan nitong bench.
"Pustahan pala! Hah! Mga gago kayo! Gago! Nagkamali kayo ng pinagpustahan ninyo!" ang bulyaw niya habang hinahampas niya ng kanyang drawing tube ang mga ito. Na isa-isa na rin namang nagpulasan at humakbang sa kanya papalayo habang sapo ng mga ito ang kanilang mga ulo.
"Aspen!" ang gulat na sabi ni Bret na dali-dali siyang nilapitan. Mablis itong umikot sa upuan at hinawakan nito ang kanyang bisig para pigilan ang kanyang mga kamay sa pag-unday ng mga paghambalos na kahit pa sa hangin na lamang iyun bumabagsak dahil sa lumayo na ang mga ito sa kanila. Hinila siya papalayo ni Bret sa mga kaibigan nitong nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya.
"O? inilayo mo ako sa mga kaibigan mo? Hah?" ang galit niyang tanong kay Bret at ito na ang kanyang pinagbuntunan ng kanyang galit.
Pilit niyang iwinagayway ang kanyang mga bisig para maalis ang pagkakahawak ng kamay ni Bret sa kanyang pulsuhan pero ganun pa man ay hindi siya nagpaawat sa paghampas ng kanyang hawak na drawing tube.
"Isa ka pa! Nagtiwala ako sa iyo! Tinuring kita na kaibigan ko!" ang bulyaw niyang sumbat kay Bret at nakita niya ang sakit sa mukha nito at ang bahid ng konsensiya. Pero hindi na siya padadala pa sa mga mukha nitong tila isang maskara dahil sa alam niya na huwad lamang iyun. isang pakitang tao para lang mabola siya at mapanalo ang isang pustahan.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...