Bumaba si Aspen ng tricycle pagkatapos ng ilang oras niyang biyahe. Pero wala siyang naramdaman na pagod, masyadong mataas ang adrenalin niya para makaramdam siya ng pagod. Mas nakaramdam pa siya ng kaba sa sandaling iyun at iyun ang unang pagkakataon na maramdaman niya ang kaba sa paghaharap nila ng kanyang mommy.
Tumayo muna siya sa harapan ng bahay bitbit sa kanyang likod ang kanyang bag at sa kanyang kamay ang painting na nakabalot sa acid free paper at string.
Hindi niya alam kung naroon na ang kanyang mommy, hindi na niya ito nagawa pang tawagan bago siya nagtungo roon at hindi niya alam kung kakausapin siya nito. Pero, handa na siyang harapin kung anuman ang igagawi nito kapag nakita siya at inihanda na rin niya ang kanyang sarili sakaling makita niyang magkasama ang kanyang mommy at si Ocean.
At muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Just the mere thought of his name made her heart started to beat wildly inside her chest, kaya naman ano pa kaya ang mangyayari kapag makita niya si Ocean. Ngunit alam niya makadarama siya ng kirot sa kanyang dibdib kapag nakita niya si Ocean na masaya sa piling ng iba.
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at saka siya naglakad palapit sa gate at inabot ng kanyang kamay ang lock ng wicket gate para pagbuksan niya ang kanyang sarili. Pumasok siya sa loob at muli niyang isinara ang maliit na gate at habang ang puso niya ay puno ng kaba ay naglakad siya palapit sa main door. Kinatok niya ang pinto ng ilang beses ngunit walang mommy niya ang nagbukas ng pinto para sa kanya at mukhang wala pa nga ito sa labas ng bahay.
Hindi siya nawalan ng pag-asa na makapag-uusap sila, kaya naman handa siyang maghintay. Sa pagkakataon na iyun siya ang handa na gumawa ng lahat ng paraan para sa kanila ng kanyang mommy. She owes her a lot of things and she's going to make everything right.
Tinalikuran niya ang pintuan at saka siya naupo sa unang steps ng harapan ng bahay. At inihiga niya ang dala niyang painting at saka siya naghintay habang nakaupo siyang na nakalapit ang kanyang mga tuhod sa kanyang dibdib.
Ngunit hindi siya naghintay nang matagal dahil ilang sandali pa ay tumabi ang sasakyan ng kanyang mommy sa tapat ng bahay at ilang sandali pa ay bumaba na ito ng sasakyan mula sa driver side at kitang-kita ang gulat at pananabik? Sa mga mata nito.
Naglakad ito palapit sa gate at sandali itong tumayo doon habang ang mga mata nila ay nakapako at siya naman ay tumayo mula sa kanyang kinauupuan kasabay ng pagdampot niya ng painting na kanyang inihiga kanina.
Pumasok ito sa loob ng gate at habang papalapit ito sa kanya ay napansin niya ang luha na namuo sa mga mapupungay nitong mga mata.
"Aspen?" ang sambit nito sa kanyang pangalan habang humahakbang ito palapit sa kanya. At siya man ay nanlabo na rin ang panginin nang dahil sa pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.
"P-pwede ba kitang m-makausap? Mommy?" ang kanyang tanong sa kanyang mommy na tumikom ang mga labi saka ito ngumiti kasabay ng mabagal na pagtango ng ulo nito. Naglakad ito palapit sa kanya at tumayo silang magkaharap sa harapan ng pintuan.
"Kamusta ka na?" ang tanong nito sa kanya at naglandas ang mga mata nito sa kanyang mukha na tila ba ninanamnam nito ang kanyang imahe.
"Mabuti...lalo na ngayon," ang kanyang sagot na may matipid ngunit matamis na ngiti sa kanyang labi.
Tumangu-tango ang kanyang mommy at ito man ay ngumiti rin sa kanya, saka nito binuksan ang pinto para sa kanilang dalawa, "dito tayo sa loob," ang sabi nito sa kanya. At pinagbuksan siya nito ng pintuan at sumunod siya papasok at nanumbalik sa kanya ang mga sandaling naroon sila sa salas at nag-aaral ni Ocean at nang natuon ang kanyang mga mata sa pintuan ng kanyang silid at mabilis na tumibok muli ang kanyang puso nang maalala niya kung anong nagyari sa loob niyun at may gumuhit na kirot sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romansa"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...