Chapter 19

1.2K 82 49
                                    


Malakas na ibinuga ni Ocean ang usok mula sa kanyang bibig. He was driving with his car windows open para makalabas ang usok na mula sa kanyang sigarilyo. He was also driving with one hand, he uses his right hand to maneuver the steering wheel while his left arm was slightly hanging outside the window while it was holding his cigarette.

Shit, ang sambit ng kanyang isipan. He shouldn't be smoking, ang sabi pa niya sa sarili. Pero kahit anong gawin niyang pangako kay Elise ay hindi niya pa rin agad na maihinto ang paninigarilyo niya. it was in his system for quite a long time at sa lahat ng naging girlfriend niya ay si Elise lang ang nakiusap or literally nagged her na ihinto na niya ang kanyang paninigarilyo, which he thought was sweet dahil sa iniisip nito ang kanyang kalagayan. But that moment he felt the pressure and annoyance to himself kung bakit hindi niya agad ito magawa na ihinto.

And then she crept into his mind. Again. It was Aspen. Magkapareho sila nito na hindi agad nila maialis sa kanilang sistema ang mga bagay na sa kanya. Ang paninigarilyo ay nakasanayan na niya samantalang kay Aspen ay ang pagpipinta na parte na ng pagkatao nito. At kung bakit pareho nilang tino-tolerate ang isa't isa? She should have told him to stop smoking dahil iyun ang gusto ng mommy nito while he should be asking Aspen and see to it na hindi na ito magpipinta katulad ng kagustuhan ng mommy nito, but no. Hindi iyun ginawa ni Aspen sa kanya at hindi rin niya ito ginawa para kay Aspen, ang pagsabihan ang isa't isa na huminto, bagkus ay tinutulungan na naman niya ito na ipagpatuloy ang passion nitong matagal na dapat nitong inihinto. Ang girlfriend niya dapat ang sinusunod niya hindi ba? ang tanong niya sa sarili. But he can't, and it was like he was already cheating on her dahil sa ginagawa niya ang ayaw ng kanyang girlfriend.

At alam niyang hindi lang iyun and every time na sasagi sa kanyang isipan ang bagay na iyun ay mabilis na tumitibok ang kanyng puso sa labis na kaba. Katulad na lang ng sandali na iyun. At muli niyang naalala ang kanyang ginawa noong isang gabi sa salas ng bahay nina Aspen. That instance when he was showing her his drawings and he was seating so close to her at muling sumagi sa kanyang isipan ang magandang mukha ni Aspen at kung paanong tila nahipnotismo siya nang sandali na iyun at huminto ang oras sa kanilang dalawa at tanging si Aspen lang ang nakikita ng kanyang mga mata. At hindi rin niya makalimutan ang kanyang huling ginawa at iyun ay ang abutin niya ang hibla ng buhok nitong kumawala mula sa pagkakatali at iniipit niya ito sa likod ng kanan na tenga ni Aspen.

It was not a harmful gesture, right? There was nothing wrong with him tucking strands of her beautiful soft hair behind her ear. And while he was doing it his fingertips gently caressed her soft freckled cheeks. Pero bakit ganoon na lang ang kanyang kaba? At bakit ganoon na lang ang takot na kanyang nadarama na tila ba may ginawa siyang mali? Ang kanyang tanong na paulit-ulit nang naglalaro sa kanyang isipan kahit pa alam naman na niya ang kasagutan. Iyun ay dahil sa kanyang naramdaman nang gabing iyun at nararamdaman niya hanggang sa mga sandaling na iyun habang sakay siya ng kanyang sasakyan at nagmamaneho at sa tuwing sasagi si Aspen sa kanyang isipan na hindi na lamang paminsan-minsan kundi palagian. Tila ba nakatanim na ito sa kanyang isipan. At kasabay niyun ay ang kaba na may halong saya sa kanyang dibdib na hindi niya naramdaman sa kahit na kanino pa man. It was like an excitement when he was so young then, sa tuwing bibigyan siya ng regalo at umaasa na ang kanyang matatanggap ay ang sets ng mga lapis at ruler para magamit niya sa kanyang pagguhit. That was the excitement that he was feeling, para bang mayroon siyang hinahangad na makamtan sa mga sandaling iyun at alam niyang hindi magtatagal ay mapapasakamay na niya ito.

But why Aspen?! ang sigaw ng kanyang isipan. At muli ay hinanapan niya ng sagot ang kanyang sariling katanungan para lang mapagtakpan ang kanyang kakaibang nararamdaman sa isang babaeng halos kalahati ng kanyang edad.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon