Tumanaw si Ocean sa direksiyon ng kabundukan sa kanyang harapan. It was still dark, anong oras pa nga lang ba? Eleven? Twelve? Ang tanong ni Ocean sa sarili. At tinulungan pa ng maulap na kalangitan ang dilim na bumalot sa kapaligiran. But nothing has changed right? Mula nang mawala ang baby nila ni Aspen ay kahit anong ganda ng panahon ay tila ba nababalot pa rin ng kadiliman at kalungkutan ang kalangitan at kapaligiran nilang dalawa.
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Mas lalo na si Aspen, tila ba hinigop ang kulay at buhay sa pagkatao nito. Parang isang makulay na painting na tinapunan ng kulay itim na pintura. At kung tititngnan ito para itong isang robot o zombie. She doesn't talk, she doesn't eat, and all she does is to cry and sleep. He was getting worried, hindi dapat na magpatuloy ang ganito kay Aspen, she could fall into depression and that's the last thing he wants Aspen to have.
Siguro kailangan na nilang ituloy ang bakasyun na matagal nang naantala, maybe a new place and scenery will help her cope-up. Siguro out of the country trip will do, maybe this is the time na dalawin na nila ang kanyang mga magulang sa Boston, ang sabi ni Ocean sa sarili. But he has to finished his commitments first para makapag-bakasyun sila ng matagl-tagal. Him and Aspen definitely need a breather, masyado na silang nasasakal sa bahay lalo pa at puno ito ng masamang memory kay Aspen.
Tinalikuran na niya ang kabundukan na hindi rin naman niya makita dahil sa kadiliman saka siya pumasok sa loob ng kanyang silid at doon nga ay inabutan niyang natutulog pa rin si Aspen. She was sleeping in a fetal position, habang hanggang baba nito ang kumot. At while he stares at her, he realized how young and fragile she looks.
Sinuklay ng kanyang kamay ang kanyang buhok na hindi na niya nagawa pang suklayin, even he forget to tend to himself lalo pa at si Aspen ang inaasikaso niya. Napalingon ang kanyang mga mata sa direksiyon ng kanyang office table kung saan ay tambak ang mga papeles na naroon. Mga papeles na ipinadala ng kanyang secretary sa bahay para maasikaso niya. He also needed to make some calls, alam niyang naintindihan siya ni engineer Summer pero may mga obligasyon rin siya rito bilang ka-partner nito sa project hindi niya puwedeng ibuhos na lang kay Summer ang kanyang trabaho at hindi rin niya puwedeng itengga ang iba pa niyang proyekto.
Kinamot ng kanyang kamay ang kanyang noo at humakbang siya palapit sa kanyang lamesa saka sinalok ng kanyang mga kamay ang bunton ng mga folders na kanyang aatupagin. Naisip niyang sa salas na lang magtrabaho lalo pa at kailangan niyang gumawa ng mga tawag at ayaw niyang maistorbo ang tulog ni Aspen.
Humakbang siya patungo sa pintuan at bago pa siya lumabas ay muli niyang sinulyapan si Aspen at nanatili pa rin ito sa fetal position. It was like she didn't even move but it was obvious with the steady movements of her chest and shoulders that she was sleeping.
Humakbang na siya palabas ng kanyang silid at saka niya hinila ang pinto without really shutting it para marinig niya si Aspen if ever she'll wakes up and call him.
He went down the stairs at sa salas ay inilatag niya ang bitbit niyang mga folders sa ibabaw ng malapad na wooden center table. At naalala niya kung paanong noon ay may gamit ni Aspen ang nakakalat sa lamesa niyang iyun sa tuwing abala ito sa pag-aaral.
Muli siyang napasulyap sa itaas ng hagdan habang sa kanyang isipan ay nakikita niya si Aspen na laging nakangiti at puno ng buhay na bumababa ng hagdan at lalapitan siya para hagkan siya sa kanyang mga labi. Pero ang Aspen na iyun ay biglang nawalan ng sigla at ngiti at nakahiga na lamang na parang bata sa loob ng kanyang silid.
Isang buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan at saka niya pinisil ang kanyang mga mata ng kanyang mga daliri at tumingala ang kanyang mukha sa kisame para tingnan ang madilim na kalangitan mula sa bubong niyang salamin.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romantik"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...