Chapter 58

1.3K 94 30
                                    


"Thank you," ang sagot ni Ocean sa kausap nito sa kabilang linya habang minamaniubra niya ang manibela ng kanyang sasakyan sa loob mismo ng campus. He was driving around looking for something or looking for somewhere. Nasa vicinity na siya ng kahabaan ng mga dorms at apartments na nasa loob mismo ng campus.

"Uhm nandun na ba sa loob ang mga kailangan ko?" ang kanyang tanong sa kausap niya sa kabilang linya.

"Yes, just what like you've instructed," ang sagot nito sa kanya.

"Okey thanks again." He turned off his phone at saka niya inilapag ito sandali sa dashboard at nagmaneho siya gamit ang kanyang dalawang kamay. He looked around hanggang sa matunton na niya ang bahay na kanyang hinahanap. Pagkatapos ng kanyang coffee meeting with Engineer Summer and Elise ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isang kaibigan.

At iyun nga ang nagbigay sa kanya ng impormasyon na kailangan niya sa sandaling iyun. Noong isang araw pa niya pinag-iisapan kung paanong mapagbabayad sa katarantaduhang ginawa nina Bret at ng mga kaibigan nito. He knew that physical revenge is not in the option. Hindi niya p'wedeng gantihan sa pisikalan ang mga ito. Kahit pa ang gusto niyang mangyari ay ang basagin ang mga mukha ng mga involved sa pustahan kay Aspen. O kahit man lang paputikin niya ang mga bunganga ng lalaking iyun na pinagtawanan si Aspen. But he knew that he couldn't do that. Alam niya ang mga p'wedeng maging implications kung paiiralin niya ang pagiging bayolente at ayaw din niya na madamay ang pangalan ni Aspen sa gulo kahit pa involved na ito sa sitwasyon at gagawin niya ito para kay Aspen ay ayaw pa rin niyang makaladkad sa eskandalo si Aspen kung paiiralin nga niya ang pisikalan na pagganti.

Maybe that's the advantage of him being an adult? He didn't act on impulse and he thoroughly think things through before making a decision, of course except pagdating kay Aspen na natatanging nagpa-ikot ng kanyang isipan.

Kaya naman kailangan niyang makaisip ng isang paghihiganti na hindi magkakaroon ng damage physically sa mga ito but will definitely broke their shit-eating, puffed-up, air-filled ego's, ang sabi niya sa kanyang sarili.

Unti-unting bumagal ang kanyang sasakyan habang papalapit sa isang kulay gray na two-story not too shabby house na kahilera mga dorms sa loob mismo ng campus. At sa entrada nga nito ay ang pangalan ng kilalang fraternity.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay at saka siya bumaba. He climbed up the steps at saka niya itinulak ang pinto kasunod ng kanyang katawan papasok at doon ay naabutan niya ang ilan sa mga member ng frat na nagulat nang pumasok at humakbang siya sa loob hanggang sa service area ng frat house.

Tumayo ang isa sa mga lalaking estudiyante na nakaupo at naabutan niyang nagsi-cellphone, "Kayo po ba?"

"Yes, gusto niyo bang sumali?" ang tanong niya rito na may malapad na ngiti sa kanyang labi. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito at agad na napailing ang ulo nito bilang pagtanggi.

"Uhm, lalabas lang po kami, parating na po ang mga iyun," ang kinakabahan na sagot nito sa kanya at sinenyasan nito ang iba pang kasama sa salas saka ito tumango sa kanya at bitbit ang mga bag ng mga ito ay dali-dali itong nagsipaglabasan ng bahay.

Sinundan niya ang mga ito ng tingin habang nakataas ang isa sa kanyang mga kilay at nang tuluyan nang nakalabas ang mga ito ay umikot ang kanyang kanyang katawan habang nakapamewang siya para pasadahan ng tingin ang paligid. Saka siya naghanap ng kanyang mauupuan.

His eyes spotted a color gray cushioned armchair. Humakbang siya rito palapit at saka niya inayos ito para ip'westo na nakaharap sa main door ng frat house. Gusto niyang makita siya agad ng mga ito once they stepped inside the house.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon