Birthday? Birthday ni Aspen kahapon? Ang tanong ng kanyang isipan at nakaramdam siya ng panlalambot ng kanyang mga tuhod sa labis na panlulumo.
"Why didn't you tell me?" ang galit na tanong niya kay Elise na napaatras ang ulo sa malakas niyang pagtatanong dito. Nagkrus ang mga bisg ni Elise sa sarili nitong dibdib bago siya tinaasan nito ng kilay at isang pagsingasing pa ang pinakawalan nito.
"Excuse me Ocean, hindi ba at magkarelasyon na kayong dalawa? Nabuntis mo siya nang hindi mo alam ang birthday niya?" ang hamon na tanong ni Elise sa kanya. "Hindi ko na obligasyon na ipaalam sa iyo ang mga ganung personal na bagay na dapat bilang...boyfriend niya at ama ng kanyang anak ay nalalaman mo na dapat." Ang sarkastiko pang dugtong nito sa kanya.
"I better be going," ang tanging sagot niya rito at dali-dali niya itong tinalikuran ngunit narinig pa niya ang pahabol nitong sinabi.
"Thanks for staying!" ang malakas na sabi ni Elise sa kanya habang mabilis ang kanyang mga paa sa paghakbang nang bagtasin niya ang pasilyo. At nang makalabas na siya ng maliit na hotel ay dali-dali siyang sumakay ng kanyang sasakyan at binuhay niya ang makina nito. At kanyang minaniubra ang Hummer patungo sa high-way para bumiyahe pauwi.
Birthday ni Aspen, shit, bakit hindi ko man lang naisip iyun?! Ang sigaw ng kanyang isipan. Elise was hinting about it yesterday, what did she ask her? She asked him kung may special occasion ba kaya siya nagmamadali na umuwi. She sounded so innocent kaya naman wala siyang pagdududa na she was asking an innocent question. Pero sinadya ba ni Elise na hindi nito sabihin sa kanya? Ang tanong ng kanyang isipan. Hindi niya inisip na sadyang gagawin iyun ni Elise. But maybe she was so vindictive to him and Aspen kaya nagawa nito ang ganun na bagay, ang sabi ng kanyang isipan.
Naalala niya si Aspen bago pa siya umalis noong nakalipas na umaga, sinabi nito sa kanya na maghihintay ito para magluto ng kanilang dinner. Marahil na siya ang gusto pa nitong surpresahin sa araw ng kaarawan nito. At anong ginawa niya? Hindi siya dumating nang dahil pa sa mommy nito. He felt like shit that moment and he felt so bad dahil sa kanyang nagawa. He promised to be a responsible...boyfriend to her and father to their child pero sa ikalawang araw pa lang ay pumalya na siya.
"Fuck," ang bulong niya at binunot niya ang kanyang telepono mula sa loob ng kanyang bulsa and while driving with one hand he made a call. Inilagay niya ang tawag sa speaker at saka niya hinintay na sagutin ni Aspen ang kanyang tawag. Pero naubos na lang ang ring sa kabilang linya ay walang Aspen na sumagot sa kanya.
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tiningnan niya ang oras. Masyado pa namang maaga, naalala niya ang ginawa niyang tawag kagabi and it was late. Maaaring natutulog pa ito, ang sabi ng kanyang isipan at hindi na siya gumawa pa ng tawag. Palilipasin niya ang isa pang oras at saka niya ito muling tatawagan, iyun ang kanyang pasya.
"Okey, thank you very much," ang sagot ni Ocean sa kanyang kausap na security ng kanilang village sa kabilang linya. Nang pagkalipas kasi ng isang oras mula nang gumawa siya ng kanyang tawag kanina kay Aspen ay hindi pa rin nito sinagot ang kanyang tawag. Kaya naman naisipan na niyang tawagan ang security para i-door bell ang kanyang bahay at subukan kung may Aspen na sasagot sa mga ito. At laking kaginhawaan sa kanyang pakiramdam ng sabihin sa kanya ng security nang balikan niya ito ng tawag na naroon si Aspen sa loob ng bahay at natutulog ito kaya hindi masagot ang kanyang tawag. Kahit papaano ay naibsan ang kanyang pangamba na may nangyaring masama kay Aspen.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romansa"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...