Kabanata 22

86 14 1
                                        

NASA loob ng isang malinis na silid sina Agueda at Artemio. Tahimik na nililinisan ng dalaga ang sugat nito habang nakatanaw naman ang binata sa tanawin sa labas. Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang tumigil na ito sa pagdurugo. Hindi alintana ng dalaga ang langsa at lapot ng dugong kumakapit sa kaniyang balat habang ginagamot ang sugat ng lalaki. Sanay si Agueda na makakita ng ganitong klase ng mga sugat dahil na rin sa kursong kinuha niya. Hindi niya akalaing magagamit niya kay Artemio ang lahat ng kaniyang natutunan sa panggagamot. Bagama't tumanggi ito kanina, sa huli, napilit niya rin ang lalaki. Batid niyang masama pa rin ang loob ni Artemio. Nakikita niya at nararamdaman niya sa malamig nitong pakikitungo.


Kulang ang mga kagamitan sa panggagamot na mayroon sa kanilang pangalawang kuta kaya't pagkatapos niyang linisan ang sugat ng lalaki, minabuti na lamang niyang lagyan ito ng benda upang hindi magka-inpeksiyon. Ngayon na nakita niya, kailangan niyang magdala ng gamot at kagamitan para sa paunang luna upang sa gayon ay may magamit rin ang kaniyang mga kasama.


Sandaling sinipat ni Agueda ang kaniyang kasama. Kapwa silang nakaupo sa kama ngunit wala sa apat na sulok ng silid ang atensyon ng binata. Tulala ito habang nakatanaw sa labas. Hindi alam ni Agueda kung may iniisip itong iba o sadyang iniwasan lamang siya ng lalaki. Gusto niya itong kausapin ngunit nag-aalangan siya sa magiging sagot nito.


Tumikhim si Agueda upang agawin ang atensyon nito.


"Mabuti na lamang at hindi malalim ang sugat na natamo mo," panimula niya. "Kakaunti lamang ang gamit rito kaya't pagdating sa bahay ay titingan kong muli ang iyong sugat."


"Hindi ko ikakamatay ang ganito kaliit na sugat," sambit ni Artemio nang hindi siya tinitingnan.


"Batid ko iyon ngunit kung hindi natin ito lulunasan, maaari kang magkalagnat dahil sa inpeksyon. Ayokong magtaka ang iyong ama kung saan mo ito nakuha."


"Kung iyan lamang ang inaalala mo, kaya kong itago ang aking sugat hanggang sa maghilom ito."


"Masama pa rin ba ang iyong loob?"


Natigilan si Artemio nang inilihis ng dalaga ang kanilang usapan. Kumurap siya nang pumasok ang malamig na hangin mula sa labas. Nais niyang tingnan ang dalaga. Nais niyang pagaanin ang loob nito. Nais niyang sabihin rito na humupa na ang kaniyang galit ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili na gawin iyon.


Gusto niyang palipasin muna ang isang gabi upang matuto si Agueda. Kilala siya nito. Batid ng dalaga na hindi siya nito matitiis. Hangga't maaari, ayaw niya itong kausapin. Kaya sa halip na sumagot, mariin niyang kinagat ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili na magsalita.


"Hindi ko na ipapaliwanag ang aking sarili sapagkat kahit saang angulo tingnan, nagkamali ako. Tatanggapin ko ang iyong galit. Hihintayin ko ang araw na humupa ito hanggang sa ako'y iyo nang kibuin. Ipagtatapat ko na rin ang lahat kay Ka Miyong. Batid kong sasama rin ang kaniyang loob ngunit rerespetuhin ko rin iyon. Nakahanda rin akong tanggapin ang karampatang parusa dahil sa aking ginawa."


"Sa palagay mo ba ay iyon ang nais naming makita sa iyo?"


The Mutiny MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon