NASA daan pa lamang ay kalat-kalat na ang isipan ni Artemio.
Mabibigat ang kaniyang mga paang lumabas ng mansion ng Gobernador-Heneral. Nawalan na siya ng pagkakataong magpaalam pa rito sapagkat okupado ang kaniyang isipan. Nagtatalo ang kaniyang loob habang pilit na inuunawa ang mga pangyayari. Sinubukan niyang alalahanin kung paano at saan nagsimulang maglihim si Agueda sa kaniya. Minsan na siyang pinaglihiman ng dalaga ngunit hindi niya akalaing mauulit lamang iyon dahil sa isang lalaki.
Wala siyang interes sa dayuhang lalaking iyon ngunit hindi siya mapagalagay habang iniisip kung bakit sa lahat ng tao dito pa lumapit ang dalaga noong mga panahong kailangan nito ng tulong. Hindi man lamang ba siya naisip ni Agueda? Nag-alala siya ng labis buhat nang hindi ito makauwi sa kanilang kuta. Muntik pa niyang ipagpalagay na nahuli na nga ito ng mga guardia sibil ngunit naroon lamang pala ito sa silid ng isang dayuhan.
Mabilis na narating ni Artemio ang kanilang tahanan.
Kung nakatakas nga ito mula sa silid ng binatang nakasagupa niya kanina, tiyak siyang nasa mansion na si Agueda.
Nakabukas ang pintuan ng kanilang mansion kung kaya't dire-diretso lamang ang kaniyang pagpasok. Agad na bumungad sa kaniya ang hilera ng mga kahon ng alak na nakalapag sa sahig. Nasa gitna nito si Maria na aligagang inaayos ang nagkalat na mga bagay. Puno ng pagkatataka ang kaniyang mukha habang iniisip kung kanino ito nanggaling.
"Ano ang mga ito?" tanong niya sa katulong.
"Señorito Artemio!" bulalas ng dalaga. "Mainam po at narito na po kayo. Saan ko po ilalagay ang mga kahong-kahong alak na ito?"
"Saan ito nanggaling?"
"Naku! Señorito, nagpunta po rito ang isang mestizong nagngangalang Pablo Garcia. Nagpakilala po ito bilang kaibigan niyong nagmamay-ari ng isang tanyag na tindahang Hora Feliz. Nabanggit niya pong ipinahahatid niyo raw ang mga ito rito sa mansion."
Nawala ang kunot ng noo sa mukha ng binata. Naalala nga niya ang kanilang kasunduan. Ngunit, hindi niya akalaing kayrami pala ng barayti ng alak ang ipapadala sa kaniya ni Pablo. Tiyak siyang maghihimutok na naman sa galit ang kaniyang ama oras na makita niya ito.
Noon pa man, tutol na ang kaniyang ama sa kaniyang pangongolekta. Ani nito'y isang pagwawaldas lamang ng pera ang kaniyang ginagawa.
Bumuntong hininga si Artemio. "Iayos mo na lamang iyan doon sa apador ng aking alak."
"Masusunod po, Señorito."
Akmang hahakbang na sanang muli ang binata nang may maalala siya.
"Maria, nakita mo bang pumasok rito si Agueda?"
Sandaling nag-isip ang katulong.
"Opo, Señorito. Ngunit, may kakaiba po sa kaniya. Hindi ko batid kung saan ito nanggaling ngunit namumutla ito at pinagpapawisan ng malamig. Tinanong ko pa nga po kung anong nang—"
BINABASA MO ANG
The Mutiny Muse
Narrativa StoricaAgueda Iniquinto, a twenty-four-year-old self-taught sniper was appointed as the leader of a secret organization of rebels called La Independencia Filipinas. Thirsty of freedom and justice, she led a rebellion to overthrow the oppressive Spanish reg...