BUMABA sa kaniyang katungkulan ang Gobernador-Heneral Valeriano Alonso nang mamatay ang anak nitong si Simeon. Nawalan ng tiwala sa kaniya ang pamahalaan ng Espanya gayong nagkaroon rin siya ng malaking utang sa bawat mayayamang pamilya ng Cavinti kaya't pinilit nitong bumalik na lamang sa sariling bansa. Nasira ang pangalan at dignidad ng matagal na nitong iniingatan dahil sa pagkakasangkot ng kaniyang anak sa rebelyon. Hindi lamang ito nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang unico hijo kundi pati na rin sa pagkawala ng kaniyang mga yaman at ari-arian.
Napawalang sala sina Artemio at Agueda bilang gantimpala sa kanilang pakikiisa sa interograsyon. Hindi na ito hinatulan pa ng bitay gayong isiniwalat ng dalawa ang kataksilan ng isang dayuhan.
Mula nang makalaya ang dalawa, nanatili ang binata sa mansion nito ngunit hindi na niya alam kung nasaan na ang dalaga. Hindi na niya muling nakita pa si Agueda. Araw-araw niya itong hinahanap. Araw-araw siyang nagbabakasaling babalik ito sa kaniya.
SA isang maliit na kubo sa pampang ng dagat, nakatanaw ang isang dalaga sa papalubog na araw. Hinahawi ng malakas na hangin ang kaniyang mahabang buhok. Tulala lamang ito habang pinagmamasdan ang magandang tanawin. Bakas sa mukha ng dalaga ang labis na pagod, sakit at pagdurusa. Blangko ang mukha nito na animo'y ninakawan na ng saya ang buhay.
Isang buwan na ang nakalipas, bagama't unti-unti nang naghihilom ang sugat at mga pasa sa katawan niya ngunit nagdurugo pa rin ang kaniyang puso. Isang buwan siyang nabuhay mula nang makalaya siya mula sa mga guardia sibil. Isang buwan na siyang hindi makatulog sa gabi. Isang buwan na siyang umiiyak sa pagsisisi. Walang kahit na anong balitang nasasagap si Agueda. Liblib ang lugar na kaniyang kinaroonan. Walang tao. Walang gulo. Malayo sa bayan ng Cavinti.
Hindi niya alam kung ano na ang kinahinatnan ng iba niyang mga kasapi sa kilusan. Tahimik na lamang niyang ipinagdarasal ang kaligtasan ng mga ito. Ayaw niyang hanapin ang kaniyang mga kasama. Tiyak ay inakala na rin ng mga ito na namatay na rin siya—bagay na hindi niya pa hahayaang mangyari gayong may isang mahalagang misyon pa siyang gagawin.
SA mga sumunod na araw, nagpasiyang lumuwas si Agueda ng bayan ng Cavinti. Tulad ng dati, puno pa rin ng guardia sibil ang pamayanan. Naulinigan niya rin sa mga tao ang pagbababa sa puwesto ng Gobernador-Heneral Alonso at pag-alis nito pabalik sa sariling bansa. Ang alcalde mayor Don Diego ang namamahala ang buong bayan.
Nagbihis panlalaki ang dalaga kung kaya't walang nakakakilala sa kaniya. Suot niya rin ang kaniyang sombrero. Nakasuksok ang dalawang rebolber sa kaniyng likuran na kapwang kargado ng bala. Tirik ang araw, nasa labas siya ng bahay ni Don Diego upang hintayin itong magpakita
Isang kalesa ang nakaparada sa labas ng mansion nito. Ilang sandali pa lamang lumabas na ang matanda. Tumayo si Agueda mula sa kaniyang kinauupuang malaking bato at nilapitan ang matandang alcalde. Bago pa man ito sumampa sa kalesa. Mabilis na hinugot ni Agueda ang dala niyang rebolber at itinutok ito sa ulo ng lalaki.
Nanlaki ang mata ng matanda nang makita siya.
"S-sino ka?" takot na tanong nito.
"Sa ngalan ng La Independencia Filipinas, bilang Jefe ng kilusan, tinatanggal ko ang buhay ng kaaway."
BINABASA MO ANG
The Mutiny Muse
Historical FictionAgueda Iniquinto, a twenty-four-year-old self-taught sniper was appointed as the leader of a secret organization of rebels called La Independencia Filipinas. Thirsty of freedom and justice, she led a rebellion to overthrow the oppressive Spanish reg...