Pagbati ng Kapayapaan at Kalayaan!
Tahan na.
Nalulugod kong ipaabot sa inyo ang aking kasiyahan sapagkat pagkatapos ng ilang buwan ay natapos ko na rin ang kwentong ito. Ang sumulat ng ganitong klase ng storya ay akala ko'y sa panaginip ko lamang magagawa. Natuwa lamang ako sa pagsusulat hanggang sa hindi ko namalayang nasa katapusang kabanata na pala tayo.
Batid kong marami ang nalungkot, nawasak ang puso at nadismaya sa naging kahihinatnan ng kwento. Nais ko mang bigyan ng maganda at masayang katapusan ang The Mutiny Muse ngunit sa aking palagay ay hindi iyon magiging angkop. Batid niyo po kung ano ang nangyari noong mga panahong, 1890's sa Pilipinas.
Ang aking tunay na layunin sa pagsusulat ng kwentong ito ay ang paulit-ulit na ipaalala sa mga kabataang katulad ko ang halaga ng kapayapaan at kalayaan. Mapalad tayo sapagkat hindi na natin kailangang gumamit ng baril o dahas upang maranasan iyon. Magpasalamat tayo sa ating mga ninuno, sa ating nakaraan, sa ating kasaysayan sapagkat hindi natin matatamasa ang lahat ng karangyaang mayroon tayo ngayon kung hindi dahil sa kanila.
Nawa'y maging isang magandang halimbawa sa inyo si Agueda. Isang babae—ngunit hindi lamang siya babae. Marami akong natutunan sa kaniyang karakter habang sinusulat ko siya. Marami akong napagtanto. May mga pagkakataon pang pakiramdam ko ay si Agueda ang nagsusulat ng kaniyang sariling kwento at hindi ako. May mga eksena sa libro na hindi ko gusto ngunit nailagay ko sapagkat iyon ang nararapat na mangyari sa pananaw ng bidang babae.
Ito ang nagustuhan ko sa kwento—pakiramdam ko hindi ako nag-iisa sa pagsusulat. Pakiramdam ko kasama ko ang lahat ng mga karakter sa kwento.
Ipinaabot ko ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Nalungkot man kayo ngunit nawa'y natuto rin kayo rito. Ayokong gumawa ng kwento nang walang saysay. Kathang-isip man ito ngunit totoo ang digmaan, totoo ang pang-aapi, totoo ang sakit, totoo ang mga naranasan ng mga Pilipino noong panahon ng mga mananakop.
Masaya ako sapagkat binigyan niyo ng pagkakataon ang kwentong ito.
Nawa'y patuloy tayong mabuhay ng may pag-ibig sa bayan.
Araw-araw, ipagdiwang natin ang kalayaan ng Pilipinas.
Nabubuhay ng malaya,
Altatine
***
Pagtatatuwa:
Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangyayari, tauhan, lugar, at pangalan ng tao at grupo ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Walang kinalaman ang sinumang halintulad na mga pangalan ng mga tao sa mga karakter sa kwento. Ang kilusang nabanggit at mga pangyayari ay gawa lamang ng imahinasyon at representasyon. Hindi ito makatotohanan at hindi nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga pangyayari.
Maraming Salamat!
BINABASA MO ANG
The Mutiny Muse
Historical FictionAgueda Iniquinto, a twenty-four-year-old self-taught sniper was appointed as the leader of a secret organization of rebels called La Independencia Filipinas. Thirsty of freedom and justice, she led a rebellion to overthrow the oppressive Spanish reg...