This is a work of fiction. Names (except Simon Marcos, Sandro and Vinny), characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Note:
It's better to read first BOOK 1 of this fanfic so you'll know the flow of the story...SILENT PAIN is the title... ❤️
"Oy ang cute cute talaga ng apo ko oh! Ang gwapo gwapo!" natutuwang pinisil pisil ni Nanay Yolly ang pisngi ng apo nyang si MJ. Mabilis itong lumaki at sobrang nakakagigil na.
3months old na ito at bilog na bilog na sa katabaan. Medyo dina-diet na nga ni Yassi ang bata dahil mahirap nang maging obese ito.
"Sige po Nay aalis na ako. Papasok na po ako sa trabaho." paalam na ni Yassi.
"Lola aalis na po ako." paalam nya kay Lola Adela.
"Hala mag-iingat ka apo. Wag magpapatakbo ng mabilis ha."
"Opo 'La."
Humalik muna si Yassi sa anak.
Tinitigan nya si MJ.
"Hay ang gwapo gwapo mo talaga anak, kamukhang kamukha mo ang--- " hindi na tinuloy ni Yassi ang sasabihin. Kumirot na naman ang puso nya. Ang hirap namang iwaglit ni--- dahil may nagpapaalala sa kanya, ang kanyang anak.
Matapos ibalik sa ina si MJ ay sumakay na si Yassi sa kanyang motor na nasa harap na ng kalsada.
Kumaway pa sya sa kanyang anak na tila nakahabol ito ng tingin sa kanya.
Habang binabagtas nya ang main road patungong kabayanan kung saan Branch Manager sya ng isang kilalang fastfood chain na naroon ay naglaro sa isip nya ang mga nagdaan.
Masakit at masalimuot ang nangyari sa kanila sa nakalipas na mahigit isang taon. Ngunit salamat sa Diyos dahil unti-unti na silang nakakabangon.
Salamat sa isang tao na laging dumarating sa buhay nya sa oras ng matinding pangangailangan.
Si Blaze ata ang anghel sa buhay nya na pinadala ni God para tulungan sya sa oras ng kagipitan.
She smiled.
Nagbalik tanaw sya sa mga nangyari.
Sa huling lamay ng Tatay nya ay dumating si Blaze. Hindi nya yun alam dahil nasa loob sya ng bahay, sa salas kung saan nakaburol ang kanyang ama.
Nakita ni Blaze ang kanyang Nanay Yolly sa bakuran at ito ang una nitong nilapitan. Sa madaling salita, ang Nanay Yolly nya ang nagkwento sa mga nangyari.
Nang pumasok ito sa balkonahe, alam na ni Blaze ang kalagayan nya.
That she was pregnant.
He didn't judge her. Instead he comforted her.
Pagkatapos mailibing ni Tatay Mario marami silang kinaharap na problema. Una ang bill ng tatay nya na halos isang milyon ang inabot dahil sa pananatili nito sa ICU ng isang private hospital sa loob ng isang buwan.
Pangalawa, nakaaksidente din ang kanyang ama dahil nakabangga ito ng mga tao.
Kinailangan nilang bayaran ang mga nagastos ng mga ito sa pagpapagamot.Dahil doon kinailangang ibenta ni Yassi ang kanyang resto.
Pasalamat na lang sya dahil may bumili sa kanyang pinaghirapang itaguyod na kabuhayan. Yun ay dahil sa tulong ni Blaze. Naghanap ito ng mga mayayamang kaibigan na interesadong bilhin ang resto nya.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?