Chapter 23

343 28 27
                                    

"Psst! Smile ka naman dyan! Nasa iyo na si MJ, oh!" biro ni Sandro kay Yassi nang pabalik na sila sa Batangas. Pero ang totoo ay tensiyonado din sya sa nangyari sa mansion ng kapatid.

It was the first time na nakita nyang nagsungit si Yassi kay Simon.

Dala lang siguro ng pagiging ina.

Hanggang sa kanilang pag-uwi ay nakasimangot pa rin ito.

Napilitang ngumiti si Yassi nang pansinin ni Sandro.

"Pasensya ka na kanina." paumanhin ng dalaga.

"Okay lang." balewalang sagot ni Sandro.

Nang makarating sa Batangas ay masayang masayang sinalubong nina Nanay Yolly at Lola Adela ang tatlo. Pinagkaguluhan ng dalawa ang kanilang apo na si MJ.

"Aba, tumaba sa ama ah!" bati ni Nanay Yolly.

"Kuuu, hiyang sa Maynila ang apo namin." sabi naman ni Lola Adela.

Napangiti si Yassi dahil totoo namang matapos ma-confine si MJ, nanaba naman ng kunin ng ama.

At least hindi pinabayaan ni Simon si MJ.

Nagpaalam na si Sandro na aalis ngunit di pinayagan nina Lola Adela at Nanay Yolly na hindi muna maghapunan roon ang binata.

"Sandz, salamat talaga, andyan ka lagi sa amin ni MJ." ani Yassi nang magka-usap sila sa salas. Nasa itaas na si MJ at kasama ni Nanay Yolly. Sumama rin doon si Lola Adela dahil na-miss nya ng husto ang apo.

"I promised Blaze that I will take care of you both." nasabi ni Sandro kahit iba ang nasa isip.

𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘶𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢... sa isip ni Sandro.

Ngumiti si Yassi sa sinabi ni Sandro ngunit nangingilid ang luha dahil naalaala na naman niya si Blaze.

"Salamat Sandz. Umalis man si Blaze, ikaw naman ang pumalit sa kanya." totoo sa loob na sabi ni Yassi.

Ngumiti si Sandro at ginagap ang kamay ni Yassi.

"Sige na magpahinga ka na. You're becoming emotional again. Blaze doesn't want to see you like that."

"Sorry... I can't help it." nahihiyang sabi ni Yassi.

Binitawan na ni Sandro ang kamay ng dalaga at tumayo.

Ginulo nya ang buhok ng dalaga.

"Hindi bagay sa iyo ang iyakin. Be strong and not to get too emotional." ani Sandro.

"Sige I'll try not to cry pag naalaala ko si Blaze."

"Good."

Nagkatinginan sila ni Sandro.

"Ummm, isara mo na ang pinto, I'll go ahead." sabi ni Sandro. Iniiwasan nyang madala sya ng kanyang damdamin.

"Sige, salamat."



Paikot ikot sa kanyang kwarto si Simon.

Hindi nya maiintindihan ang naging asal ni Yassi sa kanya at kay Isabella.

Naramdaman nyang inis ito sa kanyang kaibigan.

Nagseselos ba ito kay Isabella?

Matutuwa sana sya sa isiping nagseselos ito kay Isabella, ngunit bakit? Kasama naman nito ang kanyang Kuya Sandro.

Para saan ang pagseselos nyang yun?

Naiinis din sya sa sarili. Hindi man lang nya nagawang kausapin ito ng maayos. 

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon