Halos hindi maihakbang ni Yassi ang kanyang mga paa patungo sa pinto ng funeral home kung saan nakalagak ang mga labi ni Simon. Agad syang inalalayan ni Sandro nang makita sya na sadyang nag-aabang na sa kanya.
Kagagaling lang nila ni MJ sa mansion kung saan doon muna sya hinatid ni Mang Nestor matapos silang sunduin sa Tagaytay. Doon pa lamang ay halos maubos na ang kanyang mga luha nang magharap harap sila ng pamilya ng kanyang asawa at mga kasambahay nito.
Tanging si Sandro lamang ang wala roon dahil ito ang nag-aasikaso sa kapatid na yumao."I'm sorry po kasalanan ko po kung bakit laging nasa Tagaytay si Simon. Kung hindi po ako nagmatigas siguro po hindi nangyari sa kanya ito..." umiiyak nyang pahayag kay Donya Luisa at Don Fernan kanina.
Umiling iling ang mag-asawa.
"It's not your fault Yassi. Hindi mo kasalanan yung nangyari kay Simon. Maybe it's God's will na kunin na nya sa atin si Si..." malungkot man at gumagaralgal ang tinig ni Don Fernan ay pinilit nitong aluin ang kabiyak ng anak.
"Ang hirap pong tanggapin... Hindi ko nasabi na --- mahal na mahal ko pa rin sya. Nagsisisi po ako dahil pinairal ko po ang katigasan ng ulo ko. Sana po mapatawad nyo ako..."
"Walang kang kasalanan Yassi. No one will blame you sa nangyari kay Si. I guess it's hard to believe na bigla na lang nya tayong iniwan but that's life. We have to accept it kahit ang hirap hirap... Kinuha na sya sa atin..." gumagaralgal din ang tinig ni Donya Luisa nang yakapin nya si Yassi.
Si MJ ay tahimik lamang na karga ni Yaya Marsha. Walang kaalam-alam ang paslit sa nangyayari sa paligid.
....
"Yassi...." anas ni Sandro nang salubungin ang hipag. Doon napagtanto ni Yassi na nasa pintuan na sya ng funeral home.
Malayo pa lang ay tanaw na nya ang kinaroroonan ng mga labi ni Simon.
Cremated na ang kanyang asawa dahil ayon kay Don Fernan sunog na ang katawan nito nang maabutan ng rescue team. Inakay na ni Sandro si Yassi patungong unahan ng funeral home.
Muling namalisbis ang mga luha ni Yassi habang palapit sa kinaroroonan ng mga labi ni Simon. Akala nya ubos na ang mga luha nya ngunit nang makaharap ang kinalalagyan ng abo ng kanyang asawa ay di nya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Parang gripo yun. Walang patid sa pagtulo. Ang bigat bigat ng kanyang dibdib.
Nag-alala naman si Sandro. Panay ang hagod nito sa likod ng kanyang hipag.
Like Yassi, he too, was devastated. Nang malaman nya ang nangyari sa kapatid agad syang nagpunta sa Tagaytay. Sa morgue ng hospital na kinaroroonan ni Simon sya tumuloy.
Iniabot sa kanya ng isang staff ang mga narecover pang gamit ng kanyang kapatid na suot nito. Ang wedding ring nito na nakaukit ang pangalan ni Yassi at petsa ng kasal nila, at ang mamahaling relo ng kanyang kapatid.
Itinabi na muna nya yun at saka na nya ibibigay kay Yassi.
Makaraan ang ilang minuto ay nakatunghay na si Yassi sa harap ng urn ni Simon. Tahimik pa rin syang lumuluha habang nakatitig sa larawan ng kanyang asawa na naroon din sa harapan. Maya-maya pa ay inakay na sya ni Sandro para maupo.
Tahimik lang na lumuluha si Yassi habang nakaupo at nakatingin sa larawan ni Simon.
Si Sandro ang humaharap sa mga bisitang nakikiramay sa pagkamatay ni Simon. Tumatango lang si Yassi sa mga taong nagsasabi sa kanya ng condolence.
Dalawang oras ang nakalipas nang dumating ang mag-asawang sina Donya Luisa at Don Fernan sa funeral home kasama ang mga bata na sina MJ at Sianna. Karga ni Yaya Marsha si MJ.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?