Chapter 65

412 38 23
                                    

Napansin ni Isabella ang pananamlay ni Simon nitong nagdaang linggo.

She knows what's happening. Na-guilty sya sa pag-alis ni Yassi at ng mga bata sa mansion.

Aaminin nyang kulang sya sa atensyon kaya nanlilimos sya ng pagmamahal kay Simon. But she knows, Simon loves Yassi at kung nagawa man nitong asikasuhin sya ay dahil sa kondisyon nya.

Her heart weakened ng hindi nya alam. Marahil sa mga pinagdaanan nya sa buhay. Or whatever reason, ayaw na nyang alamin.

She will save her baby if the time will come kung papipiliin sya ng doktor. It's her life, or her baby's life. Probably, ang buhay ng kanyang sanggol ang pipiliin nya.

She sighed.

Sa ilang beses nyang pagpapalaglag, ito na ang kabayaran sa mga kasalanan nya. Pinilit nyang mabuntis sa kabila ng kanyang kondisyon. Kahit ang kapalit noon ay ang kanyang sariling buhay.

"Baby kapit ka lang. Less than two months na lang lalabas ka na. Sana masilayan pa kita."

....

"Sir?"

Nagulat si Yaya Marsha nang makita si Simon sa pinapasukang eskwelahan ni Sianna.

"Yaya Marsha..."

Hindi man itanong ni Yaya Marsha kung bakit naroon ang kanyang amo ay alam na nya ang pakay nito.

"How's everyone?" malungkot na tanong ni Simon.

"Okay naman po Sir." alanganing tugon ni Yaya Marsha.

Tumango si Simon.

Maya-maya lang tumunog na bell ng school. Uwian na ng mga nasa pang-umagang shift.

Masayang lumabas ng kanyang classroom si Sianna. Excited na syang makauwi.

Ngunit napalis ang ngiti ng bata ng makita si Simon katabi ni Yaya Marsha.

"Let's go Yaya." seryoso ang mukhang sabi nito sa kanyang yaya at hindi pinansin ang ama.

"Sianna." hinawakan ni Simon ang kamay ng bata.

"Dada...." mahinang sambit ni Sianna sa ama.

"Are you still mad at me?"  nag-aalinlangang tanong ni Simon habang matiim na nakatitig sa bata.

Sumungaw ang mga luha sa mga mata ni Sianna.

She misses her Dada. Niyakap niya si Simon.

"Dada! I'm sorry for the bad words that I've said. Sabi ni Mama Yassi, Isabella is not your other woman.  Sorry for saying that. Mama Yassi said I should not think of you as a bad guy. Still you are my Dad.. The best Dad I ever had."

Napapikit si Simon habang niyakap din ng mahigpit si Sianna. Naisip nya si Yassi.
Hindi sya siniraan ni Yassi sa mga anak. Isang bagay yun kung bakit mahal na mahal nya ito. Ipinagtatanggol pa rin sya nito sa kabila ng lahat.

"Can I drive you home, baby? I miss you all. I want to see your Mama and MJ." pakiusap ni Simon sa anak. Kaya nga inabangan niya sa school si Sianna at hindi pumasok sa opisina dahil pinapatay na sya ng kanyang kalungkutan. Dalawang  linggo na nyang hindi nakikita ang mga ito.

"Dada, baka magalit si Mama..."

"I'll take care of everything. Please baby. I want to know where you are staying."

Tumango si Sianna. Lipas na ang galit nito sa ama.

Habang nasa byahe ay laman ng isip ni Simon si Yassi. Nilakasan lang nya ang kanyang loob dahil hindi nya kayang mawala sa paningin niya ang kanyang mag-iina.
Bago tumuloy sa condo nina Yassi ay dumaan muna sa isang mall sina Simon. Ibinili nya ng isang basket ng iba't ibang prutas si Yassi ganoon din ang paboritong pagkain ng kanyang mag-iina.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon