Chapter 14

265 28 9
                                    

"Ang aga nyo!"

"Ah eh mabilis pong nakatulog si MJ 'La. Di naman kami makaikot kaya umuwi na kami."

"Ay sya, antukin yang apo ko na yan." sabi ni Lola Adela.

Hustong kakargahin na ni Yassi ang anak nang magising ito.

"Mama!"

"Gising na ang baby. Sleep pa." ani Yassi kay MJ.

"Naku nakatulog na. Hayaan mo na." sabi ni Nanay Yolly.

Pumasok na sila sa bahay.
Si Blaze ang may karay sa stroller ni MJ, si Nanay Yolly ang nagbitbit sa bag na may lamang gamit ni MJ. Si Lola Adela naman sa mga biniling laruan ng bata.

"Cars! Cars!" turo ni MJ nang makita ang mga bagong laruan.

Inilabas ni Blaze yun at ibinigay kay MJ. Naglaro naman sa sahig ang bata.

Ilang saglit din at nagpaalam na si Blaze.

Inihatid ni Yassi ito hanggang sa may pintuan.

"Ano yan?" tanong ni Yassi nang mapansin ang ilang pasa sa braso ng lalaki nang malilis ang suot nitong sleeve. Naka-long sleeve kasi ito na kulay pink.

"Nabangga yata. Hayaan mo na." balewalang sagot ni Blaze.

"Sige ingat ka."

Bago pa humakbang palayo si Blaze ay pinisi ang kamay nya. Hindi nya maintindihan ang ibig sabihin nito ngunit nginitian na lamang nya.

"Ingat ka Blaze. Salamat."

Tumango ang si Blaze at humakbang na.

Nang gabing yun ay hindi nakatulog si Yassi.
Paano kung magduda ito kay MJ?

Siguro naman ay hindi dahil kasama nya si Blaze at hindi nito nakita ang mukha ng anak.

Naisip nya si Isabella. Madalas sabihin ng Nanay nya na hinihiram nito ang anak.

Sumimangot sya sa kanyang naisip. Matapos nitong ipalaglag ang sariling anak, manghihiram ng anak ng iba?

Naisip nya ang ginawa nito kay Blaze.

Lalo pang tumingkad ang pagkainis nya dito nang maalaala kung paano ito umabrisyete kay Simon.

Napailing sya.

Para saan ba talaga sya nagagalit o naiinis? Para sa ginawa nito kay Blaze, o dahil nakita nya itong nakakapit kay Simon na parang may relasyon ang dalawa?

Hindi sya makatulog. Gusto nyang tawagan si Blaze pero ayaw na nyang istorbohin ito. Malamang nagpapahinga na si Blaze.

Napahampas ang mga kamay ni Simon nang maalaala ang sinabi sa kanya ni Isabella.

Anak nga daw ni Yassi ang kasama nitong bata na madalas nasa kanila. Kung ganoon, may anak na nga ito? Kay Blaze ba?

Sumama ang loob nya sa isipin na nagdurusa sya sa Amerika yun pala ay magpapabuntis lang sa iba si Yassi. Kaya ba ito nagtago sa kanya?

Halos maiyak sya sa nalaman.

"Why Yassi?"

"Dada, are you drinking again?"

Hindi na naitago pa ni Simon ang hawak na kopita.

"No, baby. I just want to have a good sleep tonight." pagsisinungaling nya kay Sianna.

"Di ba, it's best kung milk ang inumin mo Dada?"

Napahiya si Simon sa anak.

"Don't worry I'll go to sleep na after this. Go to your room. Go upstairs na." pagtataboy nya dito.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon