Chapter 46

356 34 20
                                    

"Nakatulog ka ba?" tanong ni Yassi kay Simon habang kumakain sila ng agahan. Napansin kasi nyang nangangalumata ito.
Saka nya l ito sa pagbabantay kay Sandro.

"Magpahinga ka muna Si, wag ka munang pumasok." agad ding sabi nya dito.

Umiling si Simon.

"I'm fine." pilit itong ngumiti kay Yassi. "I'm going to the office."

"Okay..."

Tahimik sa kanyang pagmamaneho si Simon. Patingin tingin lang din si Yassi kay Simon habang nagmamaneho ito. His silence puzzled her.

Dati nang tahimik si Simon. Ngunit pakiramdam nya mas tahimik ngayon at tila laging nasa malalim na pag-iisip.

Napansin din nya ang pagiging balisa nito.

May inililihim ba sa kanya si Simon?

Mabilis na bumaba sa driver's seat si Simon at ipinagbukas ng pinto si Yassi. Kinuha nito ang tangan nyang laptop.

"Thank you."

Naglakad na sila papasok sa building nang marinig nila ang isang tinig.

"Si!"

Pareho silang lumingon.

Si Isabella ang babaeng tumawag kay Simon.

Nakita ni Yassi ang pamumula ng mukha ni Simon. Nakatiim-baga ito.

At mabilis itong iginiya sya papasok sa building habang nakakapit sa kanyang braso.

Binalewala nito ang tawag ni Isabella. Mabilis silang tumungo sa express elevator.

Naguguluhan sya ngunit di na sya nagtanong.

Ipagtitimpla sana nya ng kape si Simon ngunit sinabihan syang huwag na muna sa umagang yun.

"Just stay here." nangungusap ang mga matang sabi nito.

Tumango tango sya. Wala rin naman syang balak uminom ng kape.

Umupo sya sa couch ng opisina ni Simon at binuksan ang laptop.

Nagbasa muna sya ng mga emails.

Nagbukas na rin ng kanyang laptop si Simon.

Kasalukuyang may binabasang email si Yassi nang magsalita si Simon.

"Yassi... how about having a civil wedding first? I mean, let's get married next week." seryosong sabi nito.

Napatingin sya kay Simon. Napakaseryoso ng mukha nito habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Give me a valid reason why you're in a hurry Si." sagot niya kay Simon at matiim syang tumitig  sa mukha nito.

"There's no particular reason. I just want you to become Mrs. Marcos as soon as possible." sagot nito sa kanya.

Pinag-aralan nya ang mukha ni Simon.

Aninag sa mukha nito na seryoso ito sa mga sinabi.

"I don't wanna rush things out Si. I wanna take it slow." sagot nya.

"Aren't you sure of your self? I mean may doubt ka pa sa akin?" Simon asked her.

"No. Ikaw ang tatanungin ko,  may makakapagpabago pa ba sa sagot kong magpakasal sa iyo kaya nagmamadali ka nang magpakasal tayo?" she stared at him. Inaaral nya ang mukha ni Simon.

Natigilan si Simon sa sagot nya. Ang totoo yun ang dahilan kaya minamadali nyang makasal na sila ni Yassi kahit sa huwes lang.
Baka magbago pa ang isip ni Yassi kapag nalaman ang lihim nya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon