Sinadya ni Yassi na magpahuli sa pag-uwi. Nag-iisa na lamang sya sa opisina.
Nakailang tawag na rin sa kanya si Simon. Nagdahilan na lamang sya dito. She pushed him na mauna nang umuwi ngunit ayaw pumayag ng asawa.
He'll wait for her, sabi nito.
She was pre-occupied by different thoughts.
This morning ang saya saya pa nya. She was introduced as Simon's wife. She even received a recognition.
Ngunit pagsapit ng tanghali...
Ahh... Baka mali lang ang nararamdaman nya. Ang nasa isip nya.
Nagulat si Yassi sa marahang katok sa kanyang pinto.
"Sino yan?" kinakabahan nyang tanong. Nag-iisa sya roon kaya naka-lock ang pinto nya.
"It's me." tugon ng nasa labas.
Pumintig ng malakas ang puso nya.
Si Simon ang naroon.
"Aren't you going home?" nag-aalala nitong tanong nang pagbuksan nya ng pinto.
"Pauwi na." matamlay nyang sagot.
Napatingin sya sa kanyang orasan. It's almost 8PM. Kaya pala sinundo na sya ng asawa.
Alam nyang minamasdan sya ni Simon habang inaayos nya ang kanyang mesa. Hindi naman sya tumitingin dito.
Matapos nyang ayusin ang kanyang mesa ay kinuha na nya ang kanyang shoulder bag at kinipkip ang laptop.
Kinuha ni Simon ang laptop nya.
Masuyo nitong kinapitan ang braso nya habang patungo na sila sa elevator.
Narinig nya ang sunod sunod na malalim na paghinga ng asawa.
....
"My love..." narinig nyang bulong ni Simon sa kanya nang nasa higaan na sila. Tulog na ang mga bata.
Nakatalikod sya dito dahil nakaharap sya kay MJ.
Naramdaman ni Yassi na isiniksik ni Simon ang ulo nito sa kanyang balikat.
"Matulog ka na." mahina nyang sabi.
"Look at me my love." tila pakiusap na sabi ni Simon sa kanya.
Hindi nya natiis ang asawa.
Humarap sya dito.
Nagtama ang kanilang mga paningin.
Nakatitig sa kanya si Simon. Sa tama ng liwanag ng lampshade naaninag nya ang malamlam na mga mata nito.
Bakit parang ang lungkot ng kanyang asawa?
He cupped her face.
"Mahal na mahal kita Yassi." mahina nitong sabi. Matapos noon ay ikinulong sya sa mga bisig nito. Paulit ulit na sinasambit ni Simon na mahal na mahal sya nito.
Ahhh... Napapikit sya. Kapag ganoong ipinahahayag ni Simon ang saloobin sa salitang Tagalog alam nya at ramdam nya na sinsero ito.
Mahal na mahal din nya ang asawa nya.
Sa pamamagitan ng mahigpit na yakap ay ipinaramdam din nya kay Simon ang kanyang pagmamahal.
Nakatulog sya sa yakap ng asawa.
Napalis ang mga pagdududang nabubuo sa isip nya.
...
Maagang gumising si Yassi at ipinaghanda ng almusal ang kanyang asawa at mga anak.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfikceBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?