Tahimik na inaayos ni Yassi sa cabinet ng asawa ang mga damit nito.
Kapapaplantsa lang ni Merly sa mga pang-opisina ni Simon at sya na ang nagkusang ipasok yun sa kwarto ng asawa.
Nakita nyang abala si Simon sa pagtitext.
Napatingin ito sa kanya.
Mukha itong nagulat sa tahimik nyang pagpasok sa kwarto ng asawa.
"Tapos na si Merly sa pagplantsa so ako na ang nagpasok ng mga damit mo."
"Ah I see. Kanina ka pa?"
"Nope. Saglit lang. Bumaba ka na magpapahain na ako." nakangiting sabi ni Yassi kay Simon.
"Okay."
Nang makaalis si Yassi ay nagreply si Simon sa kapalitan nya ng text.
"I will not promise."
Sumagot si Isabella.
"Do it for our baby Si. I'm craving for it. Please..."
Napahinga ng malalim si Simon.
Weekend is bonding time with his family. Paano nya yun magagawa kung may gustong kumuha ng oras nya?
Napabuntong-hininga sya.
Pinabibili sya ni Isabella ng prutas na makopa. Saan naman sya hahanap ng ganoong prutas eh he doesn't know makopa.
Ginoogle ni Simon kung anong prutas ang inuungot ni Isabella.
Hindi sya pamilyar sa prutas na yun.
Nang makita ang larawan ng prutas saka nya nalaman at nakakita na rin pala sya nito.
Napabuntong-hininga si Simon kung paano aalis ng bahay at ano ang idadahilan nya. Alam ni Yassi na homebody lang sya. Hindi rin sya naggo-grocery mag-isa dahil lagi nyang kasama ang kanyang asawa.
Ang hirap magsinungaling.
"Mahal ko kakain na tayo." namalayan ni Simon na bumalik sa kanyang kwarto si Yassi upang sunduin sya. Agad nyang ibinulsa ang naka-silent niyang cellphone.
Umakbay sya sa asawa habang pababa ng hagdan.
Masaya silang kumain na buong mag-anak.
Napansin ni Simon na malaki na si MJ. He really looks like him.
"Papa let's play cars." matapos kumain ay yaya ni MJ sa ama.
Napatingin si Simon sa kanyang orasan. It's past 12 in the afternoon.
Pinagbigyan nya ang anak dahil bibira itong magyayang makipaglaro sa kanya.
Napangiti si Yassi nang makitang naglalaro sa salas ang kanyang mag-aama. Si Sianna ay naglalaro ng paborito nitong barbie doll. Ang dalawang lalaki sa buhay nya ay naglalaro naman ng kotse. Pinaandar ni Simon ang isang remote control car ng anak at tuwang-tuwa si MJ na nanonood sa ama.
Pasado ala-una nang dalawin ng antok ang mga bata. Sanay kasi ang mga ito na natutulog sa tanghali.
Masuyong hinagkan ni Simon ang batok ng asawa.
"Hmmmm..."
"My love aalis ako." lakas-loob na paalam ni Simon.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Yassi sa kanya.
Nakapag-isip na nang maidadahilan si Simon.
"I'm going to barber shop or any salon that could cut off my hair."
Napatitig si Yassi sa buhok ni Simon. Mabilis ngang humaba ang buhok nito.
"Okay. Ingat ka."
Tinitigan ni Simon si Yassi. Nakukonsensya sya sa kanyang pagsisinungaling.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?