Chapter 42

378 35 22
                                    

Nanunukso ang mga tingin nina Sonia at Merly nang magpaalam si Yassi sa mga ito.

Paalis kasi sila ni Simon papuntang Batangas. They will spend the weekend sa villa ni Simon.

"Kayo na muna dito. Papasyal lang kami sa villa ni Si." aniya.

"Ayieee! Sakto ha. Nasa Norte ang mga bata." tukso ni Sonia.

"Hahaha! Nagkataon lang. Sige aalis na kami."

"Enjoy ha. Sana all!" sabi naman ni Merly.

Natigil lang ang mga ito sa panunukso kay Yassi nang bumaba na si Simon.

"We'll go ahead." aniya.

"Okay Sir. Ingat po kayo ni Yassi." halos sabay pang wika ng dalawa.

"Please do tell Manang Belen we're in Batangas." ani Simon. Nasa Laguna kasi si Manang Belen at kahapon pa wala dahil may binisitang kamag-anak. Ngayon pa lang ito pabalik.

"Sige Sonia, Merly, aalis na kami." tuluyan nang paalam ni Yassi sa dalawa.

Kinuha ni Simon ang bitbit nyang backpack bag.

"Let's go." sabi nito.

Ipinagbukas. ni Simon ng pintuan ng kotse si Yassi at inilagay nito ang kanilang mga backpack bag sa backseat at pagkatapos ay umikot na. Pumasok na rin si Simon sa loob ng kotse at umupo na sa driver's seat.

Bago nito binuhay ang makina ng kotse ay ginagap sandali nito ang isang kamay ni Yassi.

"This is our first solo trip after two years." nagniningning ang mga matang sabi nito sa dalaga.

"Yes. It's been a while." kimi ang ngiting tugon ni Yassi.

Kumakabog ang dibdib nya. Magkahalong pagkasabik at kaba ang kanyang nararamdaman. Maisip lang nya ang villa ni Simon, may kung anong hatid na damdamin ang bumabalot sa kanya.

Dahil ba sa villa unang naganap ang....?

𝘚𝘵𝘢𝘺 𝘤𝘢𝘭𝘮 𝘬𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘠𝘢𝘴𝘴𝘪. 𝘖𝘣𝘷𝘪𝘰𝘶𝘴𝘭𝘺 𝘺𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘢𝘯𝘵𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯. 𝘕𝘰!

"We'll go now." mahinang sabi ni Simon at binuhay na nito ang makina ng sasakyan.

While on the road they're listening to music.

Paminsan-minsan sinasabayan ni Yassi ang mga tugtog sa radyo.

Nangingiti lang si Simon habang nagmamaneho.

Nalilibang din sya sa pakikinig sa radyo at sa boses ni Yassi.

Dumaan muna sila sa SLEX upang kumain.

Nag-take out na rin sila dahil ayaw ni Simon na magluto pa si Yassi sa villa. Gusto nyang magpahinga at magrelax ang dalaga. Bumili na lamang sila ng mga inumin sa nadaanan din nilang convenience store.

Ilang oras din ang ginugol nila at nakarating na sila sa Batangas. Almost 1PM na rin.

Malinis ang villa dahil sa may housekeeper ang resort kaya napangiti si Yassi dahil maaliwalas pa rin itong tingnan.

"Are you hungry?" tanong ni Simon nang makaupo sila sa sofa.

"Hindi pa naman. Ikaw?" sagot-tanong ni Yassi.

"Ummm, not yet. Let's rest first. I feel sleepy." ani Simon.

"Ilagay ko lang itong mga inumin sa ref."

Pagkatapos  mailagay sa ref ni Yassi ang mga binili nilang inumin ay sa taas sila dumeretso ni Simon.

"It's my first time to sleep here in attic." sabi ni Simon.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon