Kabadong kabado si Jackie nang lumabas sa kanyang opisina ang boss nyang si Simon.
Di na naman maipinta ang pagmumukha ng boss nya.
Haizzt!
Naisip tuloy nyang mas mainam pang nasa Amerika ang kanyang boss.
"Jackie!" halos magitla ang babae sa lakas ng boses ng boss nya.
"Yes Sir!"
"Have you contacted Mr. Arguelles?"
"Yes Sir."
"Okay. Inform him that he should be on time for our meeting tomorrow, if not, it will be the last time I'll entertain him regarding his proposal."
Tumango-tango si Jackie.
"Yes Sir!"
Nang bumalik sa loob ng opisina si Simon ay nakahinga ng maluwag si Jackie.
𝘎𝘸𝘢𝘱𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘯𝘨𝘪𝘵!
Naglaro sa isip ni Jackie.
Napaisip sya... Kung kasama pa kaya nya si Yassi sa opisina ganito pa rin ba ang boss nya?
Pagkakatanda nya mabait ang boss nya noong kasama pa nila si Yassi.
At kahit noong wala na si Yassi at nag-asawa na ang boss nya hindi rin naman ito masyadong masungit. Pero ngayon, sobra!Nabalitaan nyang hiwalay na sa asawa ang boss nya, baka ito ang dahilan ng pagsusungit nito.
Siguro kung hindi lang sa magandang benefits ng company ng boss nya nagresign na sya three months ago mula nang makabalik ito from US.
Kauupo pa lang ni Simon sa kanyang swivel chair nang tumunog ang kanyang cellphone.
Kinuha nya ito sa ibabaw ng kanyang mesa.
𝘗𝘰𝘱𝘴 𝘪𝘴 𝘤𝘢𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨....
"Si!"
"Yes Pops!"
"Don't forget your Lola's birthday. It will be held this coming Saturday."
Napatingin si Simon sa desk calendar nya na nasa tagiliran ng kanyang mesa. Wala roong nakalagay na activity nya.
"Okay Pops. I'll try to be there." sagot nya.
"C'mon son! Don't try it, but do it. You know your lola is too old na, so we must celebrate her birthday altogether."
Napahinga ng malalim si Simon.
His dad got a point there.
"Okay Pops."
Call ended.
Sobrang daming tao sa store. Ito ang kaibahan sa resto ni Yassi at sa fastfood chain. Triple ang tao. Mabuti na lang din dahil shifting sila ng mga kapalitan nyang kapwa Branch Managers.
Ang bongga lang dahil tatlo sila.
24 hours kasi ang operation ng store.6AM to 2PM ang sched nya ngayong buong linggo. Pinaka-convenient sa lahat ng shift dahil mahaba pa ang oras na malalaan nya kay MJ. Maliban doon, makakapag-bake pa sya ng mga regular na inoorder ng mga kapitbahay nila at ka-subdivision.
Mamaya lalaruin na naman niya si MJ pagka-out sa trabaho.
Haizzt! Kahit sa trabaho naiisip nya si Marc Joseph.
She named him Marc Joseph, Marc from her deceased father's name, Mario, and Joseph from her ex? Simon has two name. Joseph Simon. Funny, paano kaya kung nakaapelyido ang anak nya sa kanyang ex? Eh di Marc Joseph Marcos ang buong pangalan ni MJ?
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?