After 2 days na napostponed ang presentation ni Yassi, tuloy na tuloy na sa araw na 'yun.
Kahit preparado sya ay naroon pa rin ang konting kaba sa dibdib nya.
"Are you sure, you're ready?" tanong ni Simon bago paandarin ang sasakyan.
"Yes." ngumiti sya ng bahagya pagkasagot kay Simon.
Pagkababa sa building ay hindi pa rin sanay si Yassi na pagtinginan sya ng ibang empleyado.
Marahil ay nagtataka sila kung bakit lagi silang magkasabay ni Simon.
"Let me help you." Nagulat si Yassi nang kunin ni Simon ang kipkip nyang laptop at binitbit yun hanggang sa elevator.
Panay ang tingin ni Yassi kay Simon dahil maliban sa seryoso ang mukha nito nagugwapuhan sya sa suot nito ngayon. Always naman kaya lang kakaiba dahil naka-all black tuxedo si Simon.
Naka-skirt naman sya ng black with white blouse inside and red long sleeve blazer. Hindi nya alam na pahapyaw syang minasdan ni Simon kaninang pasakay sila sa lift ng elevator.
Nang makarating sila sa opisina nito ay dumeretso na sya sa pantry para ipagtimpla ng kape si Simon.
Sumunod din kaagad sa kanya si Simon kaya nagulat sya na nasa pantry na ito.
"Your coffee," aniya.
"Thanks." sagot nito at umupo na.
Pagkuwa'y tumingin ito sa kanya.
"Where's yours?" tanong ni Simon.
"Later after my presentation na lang baka kasi atakihin ako ng nerbyos." pabiro nyang sagot.
"Goodluck to your presentation."
"Thanks."
Umupo si Yassi sa katapat ni Simon.
Upang may magawa ay in-scroll nya ang kanyang cellphone.
Dinayal nya ang numero ni Sandro at unattended pa rin yun. Napailing siya.
Napansin yun ni Simon.
"Why?" tanong nito.
Huminga sya ng malalim at sinabi ang totoo.
"I'm trying to call Sandro since Monday but I can't connect with him. Laging unattended ang cellphone nya. " malungkot nyang sabi.
Tahimik na humigop ng kanyang kape si Simon. Pagkuwa'y nagsalita.
"Umm, maybe he's busy."
Duda si Yassi. Kahit sino naman kahit busy ay hindi magpapatay ng cellphone.
Di nya alam ang dahilan ni Sandro kung bakit patay ang cellphone nito.
Matapos maubos ni Simon ang kanyang kape ay lumabas na sila sa pantry.
"Sige Si, bababa na ako." paalam na ni Yassi.
Nagulat si Yassi nang gawaran siya ni Simon ng halik sa noo.
"Goodluck..." masuyo nitong bulong sa kanya.
Nahihiya syang tumingin dito.
"Kasama ka ba nila?" tanong ni Yassi.
Kumibit balikat ito.
"I have a separate meeting to attend to this morning. But let's see...."
"Ah, okay." Hindi maintindihan ni Yassi ang naramdaman nang sabihin yun ni Simon. Nadisappoint ba sya?
Exactly 10AM when the meeting began.
Isa-isa nang nagsidatingan sa conference room ang mga matataas ang katungkulan.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?