Chapter 40

325 30 4
                                    

Nagising si Yassi sa mahinang tapik sa kanya ni Simon.

When she opened her eyes,  mukha ni Simon ang tumambad sa paningin nya.

She smiled.
Kahit medyo hilo na sya sobrang gwapo ng tingin nya kay Simon.

Mabilis na lumabas si Simon sa pintuan ng driver's seat. Umikot sya at ipinagbukas ng pinto si Yassi.

Inalalayan nya ito.

Kumapit sa kanyang bewang si Yassi habang hawak naman nya ang mga kamay nito.

Maingat nyang giniya si Yassi papasok ng mansion nang buksan ang pinto ni Manang Belen. Hanggang sa kwarto ni Yassi ay inalalayan nya ito. Wala doon si MJ at nasa kwarto nina Sianna. Tulog na raw sabi ni Yaya Marsha.

Inihiga nya si Yassi. Tinanggal nya ang suot na blazer at heels nito.

"Si... Sorry nahihilo pa rin ako." alam nyang nasa wisyo pa si Yassi kahit nakapikit.

"Get rest.... I'll change my clothes..." paalam niya kay Yassi.

"Balik ka." mahinang sabi ni Yassi kay Simon. Nakapikit pa rin ito.

Napatitig si Simon kay Yassi... Anong ibig sabihin ni Yassi? Magtatabi sila sa higaan kahit wala ang mga bata?

Minasdan nya ang maamo at magandang mukha nito.

Matapos magbihis ay binalikan ni Simon si Yassi. Umupo sya sa gilid ng kama.

She is sleeping.

Ipinagbukas nya ito ng aircon dahil pinapawisan na si Yassi.

Payapa nang nakatulog si Yassi ngunit binantayan pa rin ni Simon. Naisipan nyang tabihan na lamang ito. Malaki naman ang kama.

Humiga na rin si Simon sa kama ngunit iniwasan nyang mapadikit kay Yassi at baka magising pa ito.

....

Nilalaro-laro ni Isabella ang laman ng kanyang baso.

Umiinom syang mag-isa.
Hindi naman nya mayayang mag-bar si Simon dahil nalaman nyang sumama ito sa celebration nina Yassi.

Alam din nyang tatanggi ito sa kanya.

Ngayon ay naghahabol sya sa lalaking ayaw sa kanya.

Napasinghap sya.

Naalaala nya ang nagdaang mga taon. Halos isang dekada din yun.  Mga taon kung saan masaya pa sya sa piling ni Blaze.

Nang maisip nya si Blaze ay nanikip ang kanyang dibdib.

Blaze was her first love. Nakilala nya si Blaze sa Paris. Sa isang restaurant na madalas nyang pagkainan. Isa itong waiter doon.

She was young then. Napadpad lang sya sa Paris dahil malakas ang kanyang loob.

Isa lang syang staff sa isang kilalang kumpanya na nasa Paris. Pinalad syang makapagtrabaho sa libu-libong Pilipino na nag-apply roon.

"Hi!" naalaala nyang bati sa kanya ni Blaze. Medyo nahihiya.  Ito kasi ang lumapit sa kanya para kunin ang order nya

"Hello! " bati naman nya dito. Alam nyang sa mukha ni Blaze ay isa itong Pilipino ngunit tinanong pa rin nya.

"Are you a Filipino?" she asked.

"Yes..." sagot ni Blaze.

"I'm Isabella." sya pa nga ang naglahad ng kamay niya dito.

Gwapo si Blaze. Matangkad at moreno.

"I'm Blaze." pakilala nito.

"Nice to meet you kababayan." sabi nya.

Kiming ngumiti sa kanya si Blaze. Mahiyain pa ito.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon