Chapter 59

407 33 18
                                    

Napangiti si Yassi nang magising  ng madaling-araw. Nakayakap pa rin sa kanya si Simon at nakasubsob pa rin ang ulo nito sa kanyang leeg.

Dahan-dahan syang pumihit upang humarap dito.

Minasdan nya ang mukha ng kanyang asawa.

Isang buwan din nyang hindi natitigan si Simon.

Hinaplos nya ang mukha nito tulad ng dati nyang ginagawa.

Bakit sa kabila ng pagmamatigas nya kusang lumalambot ang puso nya?

Marahil ay mahal na mahal din nya si Simon.

Kung ano man ang pagkakamali nito ay tatanggapin nya dahil hindi naman nito ginusto na mangyari yun. Iisipin na lang nyang isang malaking leksyon ang bagay na yun sa pagsasama nilang mag-asawa. Tama si Aries, tama rin si Sandro.  Hindi matatawaran ang mga sakripisyo at paghihirap na naranasan ni Simon maipaglaban lang ang kanilang pag-ibig. Hindi matatabunan ng isang pagkakamali lang ni Simon ang lahat ng bagay na nagawa nito para sa kanila.

𝘐'𝘮 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘵𝘰𝘰, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰. 𝘐 𝘦𝘢𝘴𝘪𝘭𝘺 𝘫𝘶𝘥𝘨𝘦𝘥 𝘺𝘰𝘶. 𝘔𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘯 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘬𝘢 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘢𝘺 𝘐𝘴𝘢𝘣𝘦𝘭𝘭𝘢. 𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘦𝘮𝘣𝘳𝘢𝘤𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘢𝘤𝘵 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘴𝘪 𝘔𝘑 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦. 𝘛𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘪𝘵 𝘩𝘶𝘳𝘵𝘴, 𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘬𝘰. 𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘥𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘚𝘪...

She hugged him. Na-miss nya ang amoy ng kanyang asawa. Nilanghap nya ang natural body scent ni Simon. At pumikit sya. She then feel asleep. 

Nagmulat ng kanyang mga mata si Simon dahil sa bigat na nararamdaman ng kanyang kaliwang braso.

Napangiti sya nang makitang nakaunan doon si Yassi habang  nakayakap din sa kanya.

Hinagkan nya ang noo ng kanyang asawa. Para syang nabunutan ng tinik dahil unti-unti na itong umaamo sa kanya. Bumabalik na sila sa dati.

"I love you." muli nyang bulong sa natutulog na asawa.

....

Maganda ang gising ni Yassi ng umagang yun.  Araw ng Sabado. Wala syang morning sickness. Madalas na kasi syang atakehin ng pagkahilo at pagduduwal.

"Mama, good morning!" bati ni Sianna na mas naunang nagising kay MJ.

"Good morning baby." nakangiting bati ni Yassi dito.

Naalimpungatan si Simon dahil narinig nya ang boses ng dalawa.

Nakita ni Sianna ang pagmulat ng mga mata ni Simon kaya binati rin nya ito.

"Dada! You slept with us again?" masaya nitong tanong.

Napalingon naman si Yassi sa kanyang asawa.

"Yes baby." sagot ni Simon sabay halik sa noo ni Yassi. "Good morning my love." bulong na bati nya.

"Good morning." mahinang sagot naman ni Yassi.

"Mama, it's my last day na sa swimming class ngayon. I'm so happy dahil inenrol mo ako doon. I am now a good swimmer sabi ni Teacher Margarette." masayang balita ni Sianna kay Yassi.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon