Mula nang mawala si Blaze naging malungkutin na si Yassi. Napansin yun nina Nanay Yolly at Lola Adela.
Hindi nila masisi ito. Dahil napakabuti ni Blaze sa kanila. Si Blaze lagi ang nasa tabi ni Yassi.
Sinong mag-aakala ni iiwanan pa ni Blaze ng trust fund si MJ? Di birong halaga ang iniwan ni Blaze para sa bata kahil alam nitong isang Marcos si MJ. At the age of 18, makukuha na ni MJ ang mana nya sa Ninong Blaze nya.
Iniwanan rin ng share si Yassi sa isang kumpanya at hindi na pinagkaabalahan ni Yassi na malaman kung saang kumpanya yun. Lumilipad kasi ang isip nya noong mga panahon na yun.
Tatanggihan pa sana ni Yassi ang mga iyon, ngunit si Dylan na rin ang maysabing tanggapin na nya dahil yun ang kagustuhan ng kapatid.
Umiyak si Yassi sa mga Sandoval dahil ang bait ng mga ito sa kanya.
Si Sandro lamang ang kasama nya nang sabihin ni Dylan na magbabasa ng Last Will and Testament ni Blaze.
"Anak may umoorder ng carrot cake at saka banana loaf pero sabi ko hindi pa tayo nagluluto."
Tumango lang si Yassi.
"Malapit na ang 40 days ni Blaze, ipagpamisa na lang natin." sabi naman ng Lola Adela nya.
"Opo 'La."
"Tawagan mo na lang si Congressman anak. Kung di mo kaya ay wag ka nang pumunta sa kanila."
.....
Hawak hawak ni Simon ang larawan ni MJ. Ilang beses na nyang pinasadahan yun ng tingin.
Napangiti sya dahil kamukha nya ang anak saan mang banda tingnan. Hawak din nya maging birth certifcate ng anak.
Kahit paano ay masaya sya nang malamang may kinuha sa kanya si Yassi para ipangalan sa anak. Marc Joseph buong pangalan ni MJ.
Yun nga lang, naka-apelyido kay Yassi ang bata.Gagawan niya ng paraan para maging Marcos si MJ. Hindi sya papayag na hindi gamitin nito ang kanyang apelyido.
"What's that?"
Nagulat si Simon sa biglang pagpasok ni Isabella sa kanyang opisina.
"Nothing." itinago nya ang larawan ng anak at birth certificate nito .
"So how are you now?" tanong nya sa kaharap.
"I'm okay." sagot naman nito.
Akala ni Simon matatagalan pa bago maka-recover ang VP nila. Nalaman kasi nya na ex ni Isabella si Blaze. Mukhang okay na ito.
"Have you seen the data?" tanong ni Isabella.
"Data?"
Tumawa si Isabella.
"You're focusing on some other things. Hindi mo na alam may mga bagong share holders sa company mo."
"Okay I'll read na lang mamaya."
Nang makaalis si Isabella ay nagbasa ng kanyang emails si Simon.
Nakita nya ang tinutukoy ni Isabella.
Kumunot ang noo nya.
Bakit ipinagbili ni Mr. Reyes ang share nito?
Naalala nyang nasa Amerika na ang pamilya ng isa sa kanilang Board of Directors.
Marahil ay lilipad na rin ito sa US.
Kahapon lang ay natanggap na niya ang kopya ng pagreresign nito.
Bakante na ang pwesto ni Mr. Reyes. Nakapag-meeting na rin at may papalit na sa kanya.
He called up Yaya Marsha.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?