Chapter 25

350 31 11
                                    


"Mama! I am so happy na nandito na kayo ni Baby MJ!" masayang masaya si Sianna nang makalipat na sa Manila sina Yassi at MJ.

Matapos ang isang buwan na pag-aayos nasa poder na ni Simon ang mag-ina.

Lahat ng mga tao sa mansion  ay masayang binati si Yassi. Alam na nilang siya ang nanay ni MJ.

Halos maluha naman si Yassi sa mainit pa rin na pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Nakangiting nakamasid lang si Simon habang pinagkakaguluhan ng lahat ang kanyang mag-ina.

Panatag na ang isip nya dahil magkakasama na silang lahat.

"Let them rest first. Magpapahinga muna sila." ani Simon sa mga kaharap ni Yassi.

"Ay sige po Sir. Na-excite lang po kaming makita si Yassi at si MJ." sagot naman nina Manang Belen.

Iginiya na ni Simon si Yassi pataas habang karga naman nya si MJ.

Nakasunod lang ang isang tauhan nya na syang may dala ng mga gamit ng mag-ina. Nang nasa silid pinababa na nya ang mga gamit nina Yassi. Umalis na rin ang tauhan.

"This will be your room and MJ."

Napangiti si Yassi nang ipakita sa kanila ang isang silid sa taas.

Ang laki ng kama nila ni MJ, king size ata. Buong room ay carpeted. Pati ang mga dingding.

Pina-customized kasi yun ni Simon.

Dalawang malalaking cabinet din ang naroon, for Yassi and MJ's stuff.

May mga laruan din si MJ na maayos na nakasalansan sa lagayan. May couch, may mesa, at may sarili silang banyo.

May malaki ring tv sa dingding.

Akala nya malaki na ang silid ni Simon, may mas malaki pa pala. Sa tingin ni Yassi, ang room nila ni MJ ang pinakamalaki sa mansion.

"Ang laki naman ng room namin ni MJ." sabi ni Yassi.

Ngumiti si Simon.

"I want you and MJ to feel comfortable."

Hindi na kumibo si Yassi.

Inabala ni Yassi ang sarili sa pag-aayos niya ng gamit nila ni MJ habang nilalaro naman ni Sianna ang kapatid.

Si Simon naman ay nakaupo sa couch habang pinapanood ang mga anak.

Nangingiti si Yassi dahil sa kakulitan ng anak na ngayon ay ang bilis nang maglakad.

Kahit sinong magbantay sa anak nya ay siguradong mapapagod.

Ilang beses ding napaupo si MJ sa kakahabol kay Sianna buti na lang at carpeted ang sahig at hindi naman ininda ng anak ang ilang beses na pagkakaupo.

Bandang hapon nang matapos ang tanghalian nang makatulog sina Sianna at MJ sa malaking kama.

Napangiti si Simon nang makitang nakatulog na ang dalawang anak.

Pakiramdam nya ay kumpleto na sila.

"Get some rest while they are sleeping." sabi ni Simon kay Yassi dahil sabay pa nilang tingnan ang mga bata.

"Ikaw rin magpahinga ka na." sabi ni Yassi. Hindi man nagsasabi si Simon ramdam nyang pagod na rin ito.

"No, babantayan ko kayo ng mga bata."

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Yassi.

"Tumabi ka na sa kanila at sa couch na ako." pagtataboy pa ni Simon.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon