Chapter 64

307 31 38
                                    

"Yassi?" namimilog ang mga mata ni Simon nang makita nyang bitbit ng kanyang asawa ang isang de-gulong na maleta habang karga si MJ.

Umiiyak si Sianna habang nakayapos sa baywang ni Yassi.

Hindi naman tinapunan ni Yassi ng tingin si Simon bagkus nilampasan ito.

Desidido na syang lumayo sa mansion.

"Yaya Marsha pakitulungan nga ako dito sa maleta. Nasa baba na ang kotse ni Mang Nestor. Hinihintay na kami roon."

Hinabol ni Simon ang kanyang asawa.
Iniharang nito ang sarili. Pinigilan nyang humakbang si Yassi.

"My love, tell me, are you leaving? About last night, I'm so sorry. I have no intention in raising my voice I was just so worried when I can't connect with you. Sorry about that." paliwanag ni Simon. Buong pagpakumbaba na paghingi nya ng tawad.

Pinatigas ni Yassi ang kalooban. Isang buwan siyang mahigit na nagtimpi sa mga nakikita sa loob ng mansion. Sinikap nyang maging maunawain pero nasasaktan na talaga siya.

Malapit nang manganak si Isabella at mas makakabuting lumayo na sya para makapag-focus si Simon sa anak nito dito.

She can handle herself. Pinatatag na sya ng mga pagsubok sa buhay.

"I will be resigning from office immediately on Monday. Don't try to stop me dahil I thought of this for a couple of times. I can't stand it anymore. Ayoko na." she said firmly. Pinigilan nya ang maiyak.

"Mama please don't leave me here. Ayoko kay Dada. I don't wanna live with them! I don't wanna live with his woman!" bulyaw ni Sianna sa ama.

Nanlaki ang mga mata ni Yassi sa tinuran ni Sianna. Alam nyang galit ito sa ama.

"Baby that is not good to say. Don't say that to your Dada." kahit paano nilihis nya ang kaisipan ng bata.

"Mama, why need to go away? Bakit hindi na lang yung babaeng yun ang umalis? Mama, don't leave me here, please!" umiiyak pa rin na sabi ni Sianna. Hindi nito pinansin ang pagtatanggol ni Yassi sa ama nito.

"Baby, I'm sorry. Gusto lang ni Mama ng peace of mind." malungkot na sabi ni Yassi sa bata.

Yumakap ng husto si Sianna kay Yassi.

"No, Mama. Stay here or bring me with you." pakiusap ni Sianna.

Naguguluhan si MJ sa mga nangyayari.

"Ate! Ate don't cry." sabi nito sa medyo bulol na salita.

"No one is leaving!" hinablot ni Simon ang maleta ni Yassi mula kay Yaya Marsha.

"Huh! Fine, I can still buy new clothes for us. Sige iiwanan ko na yan. We can live without those." malakas ang loob na sagot ni Yassi.

Niyakap ni Simon ang kanyang asawa. Dahil kalong ni Yassi si MJ ay hindi siya nakapalag.

"Please my love. Let's talk first. I'm sorry." nangangatal ang boses ni Simon.

Pumikit sandali si Yassi. Pilit nyang nilalabanan ang kanyang puso.

Sorry... Sorry... Sorry...

Hanggang kailan nya tatanggapin ang sorry ni Simon?
Hanggang kailan sya magiging maunawain?

"Yaya Marsha, pababalikin ko na lang si Mang Nestor dito para sa mga gamit namin."

"Mama!" iyak ni Sianna.

Pinilit ni Yassi na makawala sa pagkakayakap ni Simon.

Dahil sa pagpiglas nya ay kumirot ang kanyang puson.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon