Chapter 60

422 31 32
                                    

Pagkatapos mananghalian ay masayang bumalik si Yassi sa kanyang opisina.

....
Natigilan si Yassi nang may marinig sa umpukan ng mga staff.

Nasa pintuan pa lang sya nang oras na yun.

"Ay akala ko ang swerte na nya kasi ang sweet sweet ni Boss. Yun pala may sikreto ito." anang isang babaeng staff.

"Kala yata maitatago nila eh kahit sa private pa magpa-check up still may mga makakakita sa kanila."

"Tatahi-tahimik pala si Sir, pero sobrang matinik. Akalain mo, may VP na, may Director pa."

"Ay alam kaya ni Legal Wife? Kawawa naman. Isipin mo kakakasal lang nila heto't may problema agad."

"Kasalanan din naman ni Sir, porke gwapo ayun pinatos si VP..."

Marami pang narinig si Yassi sa usapan mula sa umpukan na pawang hindi magandang pakinggan patungkol kay Simon.

"Are you talking about my husband?" hindi nya napigilan ang sarili na hindi magsalita.

Napalingon sa kanya ang mga staff.

Biglang nanahimik ang mga ito. 

"Alam nyo ba kung ano ang totoong kwento? Ang buong pangyayari?" naiiyak nyang sumbat sa mga inakalang mababait na staff.

"You can easily judge him dahil hindi nyo alam ang totoo. Wala rin pala kayong ipinagkaiba sa mga matatabil ang dila. Ang lakas ng loob ninyong husgahan at pag-usapan si Si without knowing the real story. Kalahati lang ang alam ninyo sa bagay na ito. The rest puro assumptions and speculations. Sino sa inyo ang nakakaalam ng totoong kwento, then speak up!"

Walang makasagot kay Yassi sa mga naroon. Nakatungo ang mga yun.

"Kung wala kayong alam, I suggest manahimik na lang kayo." matapos sabihin ang nilalaman ng dibdib ay tumalikod nang muli si Yassi. Umiiyak sya sa sakit na naramdaman. Hindi nya inaasahang sa mismong departamento pa nila maririnig ang mga ganoong usapan tungkol kay Isabella at sa kanyang asawa.

Sa hallway patungo sa elevator ay nasalubong nya si Aries at ilan ring staff.

"Anong nangyari bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Aries.

Hindi pinansin ni Yassi ang kaibigan. Ang gusto nya ay makalayo agad sa lugar na yun.

Agad nyang pinindot ang lift ng express elevator.

Sa loob ng elevator doon nya ibinuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob sa mga staff na nagkukuwentuhan tungkol kay Simon.  She cried a lot.

"Yassi?" nagulat si Jackie nang umiiyak na dumaan ito  sa harap ng kanyang mesa.

Dumeretso si Yassi sa opisina ng kanyang asawa at hindi  rin pinansin si Jackie.

"Yassi!" Napatayo sa kanyang swivel chair si Simon nang makita ang hitsura ni Yassi pagkapasok nito. Tigib ng luha ang mga mata nito at humihikbi. Nag-alala sya sa kanyang asawa.

Agad yumakap si Yassi kay Simon.

"Why? What happened? Why are you crying?" sunod sunod na tanong ni Simon sa kanyang asawa habang hinahagod ang likod ni Yassi.

"Si...." tanging sambit ni Yassi sa pangalan ng kanyang asawa.

Naguguluhan naman si Simon.

"Tell me what really happened.. Please...!" pakiusap ni Simon kay Yassi.

....

Samantalang nangangalaiti sa galit si Aries nang malaman kung bakit umiiyak si Yassi. Nagtapat na ang ilan sa mga nagkukuwentuhan kanina.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon