Chapter 62

341 36 17
                                    

"What did you say Mama?" hindi makapaniwalang tanong ulit ni Sianna kay Yassi nang sabihin ni Yassi sa kanilang lahat na doon muna pansamantalang titira si Isabella sa mansion.

Maging sina Manang Belen ay hindi makapaniwalang yun ang desisyon ni Yassi. Na tumira doon si Isabella kasama nila.

"She's staying with us."

"Mama why?" tanong ulit ni Sianna.

Napabuntong hininga si Yassi.

"She's pregnant. And she'll be staying here para may mag-alaga sa kanya at sa kanyang baby." paliwanag ni Yassi kay Sianna.

"Pero bakit Mama dito sya sa atin mag-i-stay? Wala ba syang family?" tanong pa rin ni Sianna.

Tumingin si Yassi sa mga tao sa kanyang paligid.

Nakapalibot sa kanila ang mga kasama nila sa bahay. Wala roon si Simon dahil nasa pagsundo kay Isabella at sa kasambahay nito.

"Excuse us. Kakausapin ko lang si Sianna." mahinahon nyang paalam.

Kinuha nya ang isang kamay ni Sianna at iginiya sa hardin ang bata. Si MJ ay binabantayan ni Yaya Marsha sa paglalaro nito sa salas.

"Anak listen carefully. Alam kong hindi mo sya gusto, si Isabella. Pero kailangan mo syang tanggapin sa bahay dahil... ang baby nya ay... kapatid nyo ni MJ."

Natigilan si Sianna sa kanyang narinig.

"Her baby is also Dada's baby? Is that what you are trying to say Mama?"

Marahang tumango si Yassi.

Hindi kaagad nakapagsalita si Sianna.
Bumakas sa mukha nito ang galit nang maproseso ng isip ang sinabi ni Yassi.

"No! Bakit Mama? You are Dada's wife bakit magkakaroon pa kami ng kapatid sa iba?" she hysterically asked.

Niyakap ni Yassi si Sianna.

"Baby kahit ikuwento ko sa iyo ang totoong nangyari, hindi mo rin siguro maiintindihan. Please accept na lang na nakabuntis ang Dada mo at magkakaroon kayo ni MJ ng kapatid kay Isabella."  naiiyak ding sabi ni Yassi sa bata. She can relate to the feelings of Sianna. It was painful at first. 

"Mama! Noooo! I don't like her." sigaw ni Sianna habang umiiyak.

"Pero baby walang kasalanan yung anak nya. Please para mapanatag si Dada mo tanggapin natin na may anak sya sa iba." nakikiusap na sabi ni Yassi sa bata.

"I hate him Mama! I hate Dada. He's unfaithful to you!"

Hindi kaagad nakasagot si Yassi kay Sianna. Sa murang edad nito alam na nito ang kahulugan ng salitang unfaithful.

Napapikit sya.

"Baby that's not true. May mga bagay lang na nangyari na di sinasadya ni Dada mo. Try to understand him, please."

"I can't, Mama. I hate him for allowing that to happen." tumakbo si Sianna papasok sa mansion. She's still crying.

"Sianna!" she shouted her name to stop her. Hindi sya pinakinggan ng bata.

...

Naabutan ni Simon si Yassi na kinakausap si Sianna sa tapat ng pinto ng silid nito. Nakasarado yun dahil nag-lock ang bata sa loob.

"What happened here?" kaagad na tanong ni Simon.

Umiling lang si Yassi.

"Kasama mo na ba sila?" sa halip ay tanong nya.

Marahang tumango si Simon.

"Good." kalmadong sagot ni Yassi.

Niyakap ni Simon ang kanyang asawa.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon