Mabilis na lumipas ang mga araw. Tila ba kahapon lamang ay kinakabahan pa si Simon sa kasal nila ni Yassi. Ngunit ngayon ay kasal na sila.
Nakalimutan na nya ang kasalanang nagawa kay Yassi.
"Mahal ko, lalabas kami ngayon ni Aries. May official business trip lang kami." paalam ni Yassi habang nasa byahe sila sa pagpasok sa trabaho.
"It's okay. So, are you having lunch with Aries?" tanong ni Simon.
"Probably yes. So you are alone muna."
"Okay." pabuntong-hininga na sagot ni Simon.
Nalungkot si Yassi sa reaksyon ng asawa
"Ngayon lang kami lalabas mahal ko. Wag ka nang malungkot. Bukas sabay na tayong magla-lunch." hinaplos ni Yassi ang isang kamay ni Simon na nasa manibela.
Tumango tango Simon.
...
Excited na si Isabella sa pagbabalik trabaho.
She's wearing a sexy maternity dress.Sinadya nyang ipakita ang baby bump nya.
Nakita nya sina Simon at Yassi na papasok sa express elevator ngunit hindi na nya hinabol ang mga ito.
She reminded herself to be very careful.
Napapatingin ang lahat sa kanya.
Narinig nyang nagbubulungan ang mga empleyado nang makita sya.
One month and two weeks syang nawala and heto pagbalik nya ipinangangalandakan nya sa publiko na sya ay buntis.
She is proud. Finally magiging nanay na sya.
At ang ama ng kanyang anak ay ang CEO ng kumpanya.
She smiled nang maisip si Simon.
She patiently waited na makababa ang express elevator.
Nang makarating sa kanyang office ay agad syang umupo sa kanyang swivel chair.
Nagdalawang isip sya kung tatawagan nya si Simon o hindi. Ilang buwan ding hindi sya nagparamdam dito.
Sa huli ay nagpasya syang wag munang gambalain si Simon.
....
"Sir heto po ang mga documents na kailangan nyong pirmahan." magalang na inabot ni Jackie sa kanyang boss ang salansan ng mga pipirmahang papeles.
"Okay thanks."
Palabas na ng opisina ng kanyang boss si Jackie nang muli nyang marinig ang tawag nito.
"Ah Jackie,"
"Yes Sir?"
"Can you do me a favor?"
"Yeah sure Sir. Ano po yun?"
Sinabi ng kanyang boss ang pakisuyo nito. Lihim na napangiti si Jackie.
Ang sweet naman ng kanyang boss.
"Sige Sir. Right away hahanap na po ako sa directory, yung pinakamalapit dito."
"Thank you."
...
Abala sa kanyang ginagawa si Yassi nang puntahan siya ni Aries sa kanyang opisina.
"Tara na girl. Baka matrapik pa tayo. "
Napatingin sa kanyang orasan si Yassi. Past 11AM na. By 1PM dapat nasa mall na sila.
"Okay."
Pagkatapos i-shut down ni Yassi ang kanyang laptop ay lumabas na sila ni Aries.
"Guys may OBT lang kami ni Yassi today. Baka hanapin kami ng mga big boss pakisabi na lang." nakangiting sabi ni Aries sa mga staff.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?