Chapter 72

643 44 57
                                    

"Thank you Ma'am sa message nyo sa mga kids. How about kay Daddy naman. Ah, nasaan po ang Daddy nila para makapagbigay ng message?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Yassi. Oo nga pala, hindi alam ng mga ito na wala roon si Simon dahil....

Bago pa man makapagsalita si Yassi ay napatingin sya sa mga bisita dahil nakalingon ang mga ito sa pathway. May pinagkakaguluhan silang bagong dating.

"Andito si Sir!" malakas na sabi ng isa nyang staff sa resto.

Natigilan si Yassi.

Nagliwanag ang kanyang mukha nang matanaw ang paparating na lalaki.

Akala nya sa isang araw pa makakauwi si Simon mula sa Davao City.

Pakiramdam ni Yassi ay tumigil ang pag-ikot ng mundo nang makita nyang naglalakad si Simon papuntang entablado.

Nakasuot ito ng long sleeves na kulay pink na nakatupi hanggang siko. Pinaresan ito ng itim na slacks. Ang gwapo ng kanyang asawa!

He is smiling shyly while holding a bouquet of red roses.

Sa tuwing may pupuntahang malayong lugar ang kanyang asawa, pagbalik nito ay laging may dalang pulang rosas sa kanya. Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago sa pagiging sweet si Simon at yun ang namana ng mga anak.

"Happy birthday kiddos!" bati ni Simon sa kambal. Magkasunod nyang hinalikan sa pisngi ang dalawang bata na naglulundag pa dahil sa sobrang saya nang makita sya.

Matapos halikan ang mga anak ay iniabot ni Simon ang mga pulang rosas kay Yassi. He hugged her and whispered, "I miss you, my love."

Yassi hugged him back and answered, "Sabi mo sa isang araw ka pa darating. You surprised us."

"Hmmm... I swapped my ticket with Howard. So naiwan pa sya sa Davao."

Natigil ang kanilang pagyayakapan nang mapansin nilang sa kanila nakatuon ang paningin ng mga bisita. They realized nasa stage nga pala sila.
Lahat ng mga bisita ay nangingiting nakatingin tuloy sa kanila.

Nahihiyang bumitaw si Yassi kay Simon. Pagkuwa'y tig-isa nilang kinarga ang kambal. Si Yessa kay Simon, at si Joseph naman ay kinarga niya.

Nagbigay din ng maikling mensahe si Simon sa mga bata.
Pagkatapos noon ay nagpicture-taking na ang buong pamilya sa stage.

Pagkatapos ng munting programa ay kumain na ang lahat.

Matapos ang kainan ay nagpalaro na sa mga bata kasali na rin ang mga parents.

Nagmistulang Family Day ang birthday ng kambal. Yun naman ang goal ni Yassi. Ang mag-enjoy lahat ng bisita nila. Hindi lang mga bata kundi pati mga magulang na karamihan ay tauhan nya.

Almost 6PM na nang matapos ang kasayahan. Nagsimula nang magsiuwian ang mga bisita.

"Bye Ma'am. Happy birthday ulit sa kambal. Thank you sa invitation."

Halos ganoon ang sinasabi ng mga bisita.

"Salamat din sa pag-attend. Sana nag-enjoy kayo." ani Yassi sa mga ito.

"Of course Ma'am. Nabusog din kami. Salamat sa take out."

Nakangiting tumango si Yassi.

"Yassi, mauuna na kami." paalam na rin ng mga kapitbahay nila.

"Salamat sa pagdalo." nakangiting sabi ni Yassi.

Tumango din si Simon at ngumiti sa mga bisita sa kaarawan ng kanilang kambal.

"Thank you for coming." aniya.

Ang huling umalis sa bahay nina Yassi ay ang mga staff na tumulong sa pag-iimis ng mga gamit. Matapos makaalis ang mga ito ay pumasok na sa loob ng bahay sina Yassi at Simon kasama ang mga bata.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon