Chapter 6

324 25 5
                                    

Nakangiti si Yassi habang umiikot sa taas.

Binati nya ang mag-asawang Rommel at Annie.

"Hello po! Kayo po ba ang parents ni Alyanna?"

"Yes Ma'am." saad naman ng mag-asawa.

"Thank you po for celebrating with us." malugod na bati ni Yassi sa dalawa.

"Naku Ma'am thank you din po." sagot ni Annie.

"If you need something pa po nasa baba lang po ako," paalam na ng dalaga bago binati ang batang babae.

"Happy birthday baby!"

Parang may isip naman na ngumiti ang bata sa dalaga.

"Pare look! Si Yassi ba yun?" tanong ni Dylan kay Sandro.

Tumingin si Sandro sa gawi kung saan itinuturo ng kaibigan.

Muntik pa syang mapatulala, tama ba ang kanyang nakikita?

"Pare sya nga! Pababa na sya!" Dylan's face was too excited.

"Ha?"

Mabilis pa sa alas kuwatro na sinundan ni Sandro si Yassi sa hagdan.

Kahit halos di sya makahinga.

His heart skips a beat when he saw Yassi.

Napalingon ang dalaga nang may humabol sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"S-Sir Sandro!"

"Yassi..." kinakabahang usal ni Sandro habang nanunubig ang mga mata nya.

Hindi alam ni Yassi ang isasagot nya.

"Ammm, Sir may work pa po ako eh." tumingin si Yassi sa kanyang relo, may 20 minutes pa siya.

Nabaghan ang kalooban nya nang makita ang mukha ni Sandro.

"Sige po, mag-usap tayo sa second floor, dun sa bakanteng room." ani Yassi at humakbang na pabalik sa taas.

Everyone is looking at them nang pumasok sila sa isang silid. Transparent yun dahil salamin ang lahat ng dingding.

"Sir---"

"I'm sorry for what had happened Yassi." simula ni Sandro nang paupuin ni Yassi sa katapat na upuan.

Tumungo ang dalaga.

Ano ba ang tinutukoy ni Sandro? Baka ang nangyari sa Tatay Mario niya.

"Maluwag na naming tinanggap sa dibdib na wala na si Tatay." sagot ng dalaga.

"Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Tatay Mario, I hope napatawad na nya ako," malamlam ang mga matang sabi nito.

Huminga ng malalim si Yassi. Batid nyang nadamay lang si Sandro sa galit ng ama kay Simon.

Ngunit hindi na nya masasabi yun bilang respeto sa ama.

"Matagal kitang hinanap, Yassi..." saad ng binata.

𝘚𝘪 𝘚𝘪𝘮𝘰𝘯, 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘯𝘢𝘱 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰, 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘺𝘢?

Gusto sanang itanong ni Yassi sa kaharap ngunit nang sumagi sa isip nya ang post ni Marianna, nawalan sya ng gana. At higit sa lahat, walang nakakaalam sa mga Marcos ang pagkakabuntis sa kanya ni Simon.

"I'm sorry Sir, walang nakakaalam kung saan kami nakabili ng bahay." tanging sagot ni Yassi.

"Pwede bang---" hindi na naituloy ni Sandro ang sasabihin sa kaharap. Nadala na ng hiya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon