Chapter 67

373 34 24
                                    

Panay ang buntong hininga ni Yassi sa likod ng kotse ni Aries. Tumigil na sa  kaka-ring ang kanyang cellphone.

Si Simon ang tumatawag kanina ngunit hindi nya yun sinasagot. Marahil ay alam na nito na wala na sila sa condo.

"Hmmm... Buntis malapit na tayo. Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni Aries.

"Medyo.... Konti lang kasi nakain ko kanina."

"O sya hahanap lang ako ng makakainan natin." sagot ni Aries.

Sandali lang at ipinarada na ni Aries ang sasakyan sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay.

Habang kumakain ay panay ang tingin ni Aries kay Yassi.

Tamilmil kasi ito sa pagkain. Alam nyang napipilitan lang kumain si Yassi dahil sa kambal. Kung hindi ito buntis malamang hindi ito makakaramdam ng gutom.

Napahinga ng malalim si Aries. Naaawa sya kay Yassi ngunit naaawa rin sya sa asawa nito. Higit sa lahat, kawawa ang mga bata. Sina Sianna at MJ na sobrang malapit sa isa't isa. At ang kambal na ilang buwan na rin ay lalabas na.

"Ubusin mo yang pagkain mo ha." paalala nya.

"Oo." sagot naman nito. Sa pagitan ng pagsubo ay inaasikaso nito si MJ.

....

Malungkot na umuwi si Simon sa mansion.

Nalaman ni Sianna na hindi na naabutan ng ama sina Yassi at MJ sa condo kaya muli itong umiyak.

Hindi na alam ni Simon kung paano aaluin si Sianna. Maging sya ay lubhang nalulungkot na rin.

Kumalat sa buong mansion ang balitang lumayo na si Yassi kasama ang anak na si MJ. Maging sina Manang Belen ay nalungkot sa nalaman.

"Nakakalungkot naman talaga. Pangatlong pagkakataon nang nangyari ito. Una, dinala si Yassi sa Mindoro ng mga magulang, pangalawa sa Batangas naman lumipat. Itong pangatlo saan naman kaya nagpalipas ng sama ng loob si Yassi? Buntis pa naman ang taong yun. Naku... Sana hindi sila mapahamak ni MJ sa nilipatan nila." seryoso at 
mahabang wika ni Manang Belen.

Napabuntong hininga lang sina Merly at Sonia. Maging sila ay sobrang nalungkot sa nabalitaan.

...

"What?" bulalas ni Sandro nang tawagan sya ni Simon para sabihing umalis na sa condo sina Yassi at MJ. Sinabi nyang hindi isinama si Sianna dahil nag-aaral ito.

Pansamantalang natigilan si Sandro sa narinig.

"That's really a problem. Haizzt! Where we could find her? She's pregnant and yet naisipan pa rin nyang lumayo." nag-alala rin si Sandro kina Yassi.

"Ask her friends baka alam nila." suhestyon ni Sandro.

Napabuntong-hininga si Simon nang maisip si Aries. Alam nyang malapit na kaibigan ito ni Yassi ngunit sa huli nilang pag-uusap hindi nito sinabi ang kinaroroonan nina Yassi. Ngayon pa kaya?

Sumakit ang ulo nya ng araw na yun. Agad syang tumawag sa isang private investigator upang ipahanap ang kinaroroonan ng kanyang mag-ina.

....

"O ayan may kasama na kayo ni MJ, babalik na ako sa Manila ha.  Ingat kayong lahat dito." bilin ni Aries kina Yassi nang araw na dumating ang mag-asawang sina Manong Romy at Manang Celeste.

"Naku Sir wag po kayong mag-alala kami na pong bahala sa mag-ina." maagap na sagot ni Manang Celeste kay Aries.

Dalawang araw ding naglagi sa Tagaytay si Aries habang wala pang kasama sina Yassi. Kaya naman nakapag-leave pa sya ng isang araw.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon