Chapter 10

336 29 9
                                    

Kumain saglit sina Blaze at Yassi.
Hindi na napilit pa ni Blaze na dagdagan ang pagkain ng dalaga dahil nalaman nyang hindi pala ito palakain sa ibang lugar kung may okasyon.

"We will eat na lang sa labas." anas ni Blaze.

"Wag na, sa bahay mo na lang." ani Yassi.

"Sige na. It's my treat naman. Sinamahan mo ako dito sa birthday ni Ninong."

Nabaghan ang kalooban ni Yassi at tinitigan nya ang gwapong mukha ng kausap.

"Sa bahay na lang tayo kumain Blaze. Wag na tayong kumain sa labas." nakangiting pilit ng dalaga at hinawakan ang kamay ni Blaze.

"Okay fine. Ikaw ang masusunod." sagot naman ni Blaze.

Sa di kalayuan ay tanaw ni Simon ang dalawa.

Parang hinihiwa ang kanyang puso sa nakikita.

Sa loob ba ng dalawang taon nagkamabutihan na ang dalawa?

Why?

Habang sya ay nagdurusa, may kasama na palang iba si Yassi.

He cursed.

Matapos kumain sina Yassi at Blaze ay nagpahangin muna sila sa di mataong parte ng venue.

"Nasaan ang family ng Ninong mo?" tanong ni Yassi sa binata.

"Nasa America sina Auntie saka mga pinsan ko. I don't know kung umuwi sila ngayon dahil birthday ni Ninong." saad ni Blaze.

"Ah... Nakaka-sad naman kung di ka pala pumunta dito tapos walang kaanak ang Ninong mo. Mabuti na lang andito ka."

Blaze smiled at her.

"Oo. May aasikasuhin rin kasi kami ni Ninong. Iuwi muna kita sa inyo, then babalik din ako dito sa Monday."

Pagkuwa'y nagpaalam si Yassi para gumamit ng comfort room.

"Ihatid na kita." ani Blaze.

"Naku wag na.." nakangiting tanggi ng dalaga.

"Sige. Dito na rin kita hintayin."

"Okay."

Nang makita ni Simon na umalis si Yassi ay sinundan nya ito. Patungo ito sa comfort room. Hinintay nya ito sa labas.

Nanalamin si Yassi matapos gumamit ng banyo. Pagkuwa'y nilabas nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ina.

"Nay!"

"Anak, kumusta dyan?" sagot ng ina.

"Okay lang naman Nay. Nakilala ko na po ang Ninong ni Blaze. Mabait din po sya."

"Buti naman. Itong anak mo, alam yatang di ka uuwi. Nagliligalig. Kanina pa salita ng salita ng Mama." kwento ng ina.

Nabaghan ang kalooban ni Yassi. Huminga sya ng malalim.

"Pakausap nga po Nay."

Ilang sandali pa ay narinig na ni Yassi ang boses ng anak.

"Mama, Mama!"

"Baby ko, na-miss ka kaagad ni Mama. Pakabait ka muna ha. Andyan naman na ako bukas."

"Mama, Mama!"

"Sige na anak. Sleep na ha. I love you."

"Lab lab Mama!"

Napangiti si Yassi sa isinagot ng anak. Matalino ang anak at nakakaintindi na.

Nagpaalam na rin sya sa ina.

Nakatungo syang lumabas sa CR dahil nilagay nya sa dalang pouch ang kanyang cellphone nang makarinig ng tawag ng isang lalaki. Kinabahan si Yassi dahil pamilyar sa kanya ang boses na yun. Hindi nya makakalimutan ang boses na yun, kailanman.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon