Chapter 55

379 36 40
                                    

Nakakaramdam na naman ng pagsakit ng tiyan si Isabella.

Hindi nya alam kung tatawagan o hindi si Simon.

Alam nyang malaki ang kasalanan nya dito. Nailagay nya sa alanganin ang buhay-may asawa nito.

Naluha sya. Ang dami dami na nyang kasalanan. Ang dami dami na nyang pagkakamali sa buhay.

Huli na talaga ito. Mailabas lang nya ang kanyang baby. Mairaos lang nya ang kanyang panganganak. Pangako nya hinding-hindi na nya gagambalain si Simon. Lalayo na sila ng kanyang anak.

Sa huli ay ipinasya nyang wag nang abalahin pa si Simon. Kay Sally sya nagpasama, sa kanyang kasambahay.

....

"Aries daanan mo ako sa breaktime ha." bilin ni Yassi kay Aries nang magkasunod silang mag-in sa kronos.

Kumunot ang noo ni Aries. Isang linggo na kasing sumasabay sa kanila si Yassi. Nakakahalata na sya lalo na't laging mugto ang mga mata ni Yassi at ang idinadahilan ay ang mga K-drama series na pinapanood.

"Usap nga tayo mamaya girl. Nakakahalata na talaga ako sa iyo." bulong ni Aries.

Hindi nakapag-komento si Yassi.

"See you mamayang breaktime. Story-telling time dahil naka-leave si Ricky." makahulugang bulong ni Aries kay Yassi bago pumasok sa sariling opisina.

Napailing si Yassi. Alam nyang ilalagay sya sa hot seat ni Aries. Pero nakapagdesisyon na sya na ayaw muna nyang sabihin dito ang sitwasyon nila ni Simon.

....

"Ano na?" untag ni Aries kay Yassi nang kumakain na sila sa paborito nilang restaurant.

"Anong ano na?" patay malisyang tanong ni Yassi kay Aries bagama't di tumitingin dito. Alam naman nya kung anong ibig sabihin nito. She just trying to ignore him.

"Ang KJ mo ha. Sabi ko, magkwento ka na. Ano bang meron at hindi na kayo sabay kumain ni Mr. CEO?"

"He's busy. Lagi syang may meeting outside." alibi ni Yassi.

"Sigurado ka?" matiim na tinitigan ni Aries ang kaharap na tila gutom na gutom at panay ang lantak sa inorder na ulam.

"Oo." ignora ni Yassi.

Tumaas ang isang kilay ni Aries.

"Sige kung hindi ka pa handang mag-open up sa akin, okay lang. Basta nandito lang ako pag ready ka na."

Napatingin si Yassi sa kaharap.

"Wala akong problema." tanggi nya kay Aries.

Nagkibit-balikat lang sa kanya ang kaibigan.

Kumain na rin ito.

"Oy ang takaw mo  ngayon ah." biro ni Aries kay Yassi. Ang dami kasing  nakain ni Yassi nang oras na yun.
Epekto ng pagbubuntis nya.

Hindi pa alam ni Aries na may twins na sya.

"Oo. Ang takaw ko na nga. Kaya libre mo pa ako nun." nguso ni Yassi  sa nakita nyang sundae.

"Alin dyan?" tanong naman ni Aries.

"Yung caramel sundae. Gusto kong mag-desert ngayon." sabi ni Yassi.

Tiningnan  ni Aries si Yassi.

"Sus, para kang buntis, ang takaw takaw mo... " tudyo nito.

Napangiti si Yassi.

"Pag nabuntis ako Ninong ka ha," balik biro ni Yassi.

"Correction, Ninang, not Ninong." pabirong irap ni Aries at tumawag ng waiter para sa sundae ni Yassi.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon