"Si, where are you going this weekend?" malambing na tanong ni Isabella kay Simon.
Hindi kumibo si Simon.
Wala pang nakakaalam na may anak syang dinadalaw tuwing weekend maliban sa Kuya Sandro nya, Yaya Marsha at Sianna, at sa side ni Yassi at sa mga abogado na humawak sa kanyang petisyon.
"Somewhere." paiwas na sagot ni Simon.
"Tara sa Batangas!" yaya ni Isabella.
Napalunok ng kanyang laway si Simon.
Ilang block lang ang pagitan nila Yassi sa bahay ng mga ito sa subdivision.
"Thank you for inviting me. But I have to meet a very important person sa weekend."
Napasimangot si Isabella sa sinabi ni Simon ngunit hindi nagpahalata.
"Okay!"
2 to 10 na ang sched ni Yassi. Kinakabahan sya dahil magkikita na sila ni Simon pagkatapos ng dalawang buwan ata.
Nang may tumigil na sasakyan sa harap ng kanilang bahay ay alam nyang si Simon na nga yun. Tama sya!
Ang dami na naman nitong bitbit na groceries.Ewan ba nya kung matutuwa sya dahil hindi lang para kay MJ ang mga binibili nito.
Nakita nga nya may mga imported chocolates pang binili last time si Simon. Sya lang naman ang kumain kasi ayaw nyang masira agad ang ngipin ng anak.
Paano kung para sa kanya pala ang mga chocolates na yun?
Asus!
Bawal ang assuming!
Hindi alam ni Yassi kung paano kikilos habang karga nya si MJ na agad tinawag si Simon ng Papa.
Ang anak nya, nagpapakuha agad sa ama.
Ipinasok lang sa loob ni Simon ang mga dala at kinuha na rin ang anak. First time nakita ni Yassi na yumakap si MJ sa ama kaya namasa ang kanyang mga mata. Tumalikod sya at pinunasan yun.
"Upo ka." in a soft voice ay sabi ni Yassi kay Simon.
"Thank you." mahinang sagot ni Simon.
"Papa, play!"
Napangiti ng lihim si Yassi. Mapapasabak na naman si Simon sa makulit nilang anak.
Nag-busy busy-han sa kusina si Yassi nang dumating si Simon. Ang nanay naman nya ay nasa labas at nagsasampay ng mga nilabhan katulong ang lola nya.
Napapangiti si Yassi kapag naririnig ang halakhak ng anak. Maging ang tawa ni Simon.
Naaaliw sya sa mga ito."Mag-merienda muna kayo." sabi niya sa mag-ama nang labasan niya ng sandwich si Simon at biscuit si MJ. Ipinatong nya sa side table ang mga iyon.
Chuckie ang drinks ng anak, at si Simon ay strawberry shake. Nag-effort pa syang ihanap ng strawberry fruit si Simon sa palengke kaninang umaga.
Kumain si MJ ng biscuit na binuksan ni Yassi.
"Kain ka na Si."
"You?"
"Don't mind me. Busog pa naman ako."
Napangiti si Yassi nang kunin ni Simon ang ginawa nyang clubhouse sandwich at uminom din ito ng strawberry shake.
Nilagyan ng straw ni Simon ang drinks ni MJ.
"Tawagin mo lang ako when both of you are done." ani Yassi at bumalik na sa kusina para magsaing.
Simon glanced at her.
BINABASA MO ANG
Never Again
FanfictionBeen hurt once... Twice... Will you risk your heart for the nᵗʰ time?