Chapter 36

394 36 18
                                    

Babangon na sana si Yassi  nang magising muli bandang alas singko. Maghahanda na sana sya ng agahan nila.

Ngunit pinigilan sya ni Simon.

"It's your restday. Let Manang Belen do the chores including cooking in the kitchen, okay?"
di nya alam mas nauna pang nagising sa kanya si Simon. Nakatulog pa ba ito?

Napatingin sya kay Simon na nakangiti sa kanya.

Tinanggal niya ang pagkakaunan sa braso nito at baka ngalay na si Simon.

Kagabi pa sila magkayakap ni Simon at ngayong gising na gising ang diwa nya naramdaman na nya ang libu-libong tila mumunting boltahe na dumadaloy sa katawan nya.

Gusto na nyang makawala mula sa pagkakayakap ni Simon dahil sa nararamdamang yun. Ngunit mahigpit ang mga kamay ni Simon na nakapulupot sa bewang nya.

"It feels good when we are like this..."  bulong ni Simon. Hindi masyadong malakas ang boses nito dahil baka magising ang mga bata.

"I miss you so much." sabi pa ni Simon sabay halik sa tuktok nya.

Pakiramdam ni Yassi bibigay ang puso nya.

Ang sweet ni Simon!

Napawi nang lahat ang tampo nya dito.

Hindi na sya nagsalita. Isiniksik na lang nya ang kanyang ulo sa tagiliran nito.

Doon naman nagsalita si Sianna na bagong gising din.

"Mama! Dada!" bati nito.

"Good morning baby." malambing na bati nina Simon.

Napaharap si Yassi sa bata. Sa iisang direksyon na lang sila ni Simon nakaharap. Kay MJ na sya nakayakap bagamat di pa rin tinatanggal ni Simon ang braso nito sa kanya bewang.

"Dada did we sleep together?" manghang tanong ni Sianna.

"Yes baby." tugon ni Simon.

"Really? Dada, I hope every night dito tayo matutulog kina Mama." masayang sabi ni Sianna.

"It depends to your Mama. If she allow us." makahulugang sabi ni Simon.

Napangiti si Yassi. Pinagtutulungan sya ng mag-ama.

"Fine. If you want to sleep with us ni MJ..." she said.

Napapalakpak sa tuwa si Sianna.

"Mama! I'm so happy!" sabi nito.

"Thank you..." bulong ni Simon.

Hinawakan ni Yassi ang kamay nitong nakayakap sa kanya.

"Bababa na ako. Bantayan mo si MJ." paalam na ni Yassi. Sanay kasi syang tuwing restday ay sya ang nag-aasikaso ng almusal nila.

Hindi na sya nagpapigil pa kay Simon.
Sumama na rin si Sianna sa baba at aniya'y manonood sa pagluluto ni Yassi.

Nang maiwan sa taas si Simon ay nagmuni-muni sya.

He wanted to marry Yassi. Alam nyang pareho na silang hindi na pabata.

There's no reason pa para hindi sila magpakasal.


....

"What's that? It's your restday supposedly you're taking a rest." 
puna ni Simon nang matapos maglaba si Yassi ay kaharap na naman nito ang laptop.

Na kay Yaya Marsha ang mga bata sa ibaba.

"Just checking out if tugma yung mga plano namin nina Ricky. In few days sisimulan na ang ads." sagot ni Yassi habang nag-i-scroll ng kanyang laptop.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon