Chapter 26

419 32 17
                                    

"We'll update you Miss de Vera about the status of your application." sabi ng staff ng inaplayan ni Yassi pagkatapos ng kanyang interview.

Maghihintay na naman sya ng tawag.

Bagsak ang balikat ni Yassi nang lumisan sa building na yun.
Pang ilan na bang interview nya yun?

Pauwi na sya at sakay ng Grab taxi nang may tumawag sa kanya.

Natulala sya saglit.

Nang maabsorb ng isip nya ang sinabi ng kausap ay saka pa sya nagpasalamat dito.

Magkakatrabaho na sya!

Suntok sa buwan ang interview na yun. Wala naman syang experience as Marketing Director.

Nagpasa lang sya ng resùme dahil wala pa syang mapagpasahan.

Nag-google lang sya kung ano ang trabaho ng Marketing Director para may idea naman sya nang oras ng kanyang interview.

Tanggap naman nya kung sakaling bumagsak sya sa interview na yun ngunit pinalad pa rin sya.

Nangako si Yassi na gagalingan nya ang trabahong yun.

Isipin mo, Marketing Director agad sya samantalang galing lang sya sa isang fastfood chain store.

OMG!

Masayang ibinalita ni Yassi sa mga kasama sa mansion na may trabaho na sya. Natuwa rin sina Manang Belen, Sonia at Merly para sa kanya. Nangako ang mga ito na aalagaan si MJ habang nasa trabaho sya.

Ibinalita rin nya sa Nanay at Lola nya ang magandang balita.

"Naku anak, sunod sunod ang natanggap mong biyaya sa Diyos. Una yung pamana sa iyo ni Blaze, ngayon naman ay bagong trabaho. Kung gugustuhin mo naman kahit di ka na magtrabaho sa pamana sa iyo ni Blaze eh." ani Nanay Yolly sa kanya.

"Naku Nay, malakas pa ako sa kalabaw. Gusto ko pang magtrabaho medyo malaki na rin si MJ. Pasalamat po ako may mga mag-aalaga sa kanya dito."

"Mabuti naman sige. Kailan ba kayo papasyal dito?" tanong ng nanay nya.

"Bago po ako mag-umpisa sa trabaho Nay, promise po."

Pagkapasok ni Simon sa salas galing sa trabaho ay sinalubong sya ng dalawang bata. Humalik sa kanyang  pisngi sina Sianna at MJ.

Giniya sya ni Sianna sa upuan at pinaupo.

Kumunot ang noo nya dahil maging si MJ na mabilis nang maglakad ay nakipag-unahan sa kanyang ate para tanggalin ang sapatos at medyas nya.

"Wait what are you doing?" natatawa nyang sabi.

"Mama told us na pagod ka na from work kaya dapat kami na ang magtatanggal ng sapatos at medyas mo Dada. Here, we prepared your slippers na." sinuot na ni Sianna sa kanyang mga paa ang alpombra nyang tsinelas.

Napasulyap si Simon kay Yassi na naroon lang sa isang tabi.

Tipid itong ngumiti sa kanya.

Hindi nito alam na napasaya sya sa simpleng bagay na itinuro nito sa mga bata.

"Magbihis ka na kakain na tayo." sabi nito. Kinarga nito si MJ.

Nangingiti si Simon habang nagpapalit ng damit.

Nagulat sya sa mga pagkaing nasa mesa. Espesyal yata ang hapunan dahil ilang putahe ang nasa hapag-kainan.

Habang kumakain ay wala silang kibuan. Abala si Yassi sa pagsubo sa anak na si MJ.

"Dada you have to congratulate Mama kasi may work na sya." daldal ni Sianna sa pagitan ng pagsubo.

Napatingin si Simon sa dalaga.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon