Chapter 49

301 22 6
                                    

After five days vacation in Maldives balik-Pilipinas na ang mag-asawang Simon at Yassi.

Mababakas sa kanilang mukha ang masayang karanasan sa bansang kanilang pinuntahan.

Si Mang Nestor ang sumundo sa kanila sa airport nang dumating sila sa Pilipinas.

"Mama! Papa!" masayang salubong ni MJ sa mag-asawa nang makita sina Yassi sa pagpasok nila sa pinto.

"Baby!" kaagad binuhat ni Yassi ang anak.

Tuwang tuwa rin si Sianna sa pagdating nila.

"Dada! Mama! I miss you both!"

"We miss you all baby!" sagot naman ni Simon.

"Sir mukhang nabilad kayo sa dagat ah. Namula ang kutis nyo." nakangiting sabi ni Sonia.

"Yes." nakangiting sagot naman ni Simon.

Inilabas na nila ang kanilang mga pasalubong sa mga kasama sa bahay.

Tig-iisang sarong dress na magkakaibang kulay sina Yaya Marsha, Manang Belen, Sonia at Merly na may kasama pang handmade jewelries na necklace at earrings. Souvenir t-shirt naman kay Mang Nestor na may kasamang ref magnets at figurine na pang-display.

"Ay! Ang ganda! Thank you Sir! Yassi!" bulalas ni Sonia nang makita ang mga pasalubong sa kanila.

"Bet na bet ko ang kulay Sir. Favorite color ko ito." sabi naman ni Yaya Marsha.

Napangiti si Yassi. Lahat ng favorite color ng apat ay alam nya kaya sya ang pumili ng mga kulay ng sarong.

"Hahaha! Ako din. Favorite color ko ang pink!" sagot ni Sonia.

"Yassi knows all your favorite colors." nakangiting pahayag ni Simon.

Nagkatawanan ang apat. Kaya pala magkakaiba ang kulay ng sarong nila.

"What about me Dada?" tila nagtatampo na tanong ni Sianna.

"Of course baby, meron din kayo ni MJ. Wait..." sagot ni Yassi. Pinaupo sa sofa ni Yassi si MJ. Inilabas niya ang sarong dress ni Sianna at may kasama ring handmade jewelries. Masayang masaya ang bata sa natanggap na pasalubong.

"Thank you Mama and Dada!" sabay halik sa pisngi nina Yassi at Simon na sabi ni Sianna.

Masaya naman ang mag-asawa sa nakitang kaligayahan ng bata.

"Mama, what did you buy for MJ?"

"Naku baby, ang hirap hanapan ng souvenir para sa kapatid mo. So we only have t-shirt here for him. Actually may t-shirt  ka din kaya pare-pareho tayo ng design. We can wear it pag lalabas tayo nina Dada mo." paliwanag ni Yassi.

"Nice Mama. I love it." nagniningning ang mga mata na sambit ni Sianna.

Maagang naghapunan sina Yassi kasama ang mga bata. May jetlag pa silang mag-asawa kaya maaga rin silang mamamahinga.

Pabalik na sila sa trabaho sa susunod na araw.

....

Hawak kamay na pumasok sa building sina Yassi at Simon. Binati sila ng guard at receptionist na nakaduty.

Alam ni Yassi na pinagtitinginan sila ng mga nasa likurang mga empleyado habang patungo sila ni Simon sa express elevator.

Nang makapasok na sila ni Simon sa lift ay hinapit nito ang baywang nya at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"First working day... I'm still not yet prepared to go to work." anas nito.

"Hmmm... Do you want to extend our vacation? Baka ma-kick out na ako nito."  biro ni Yassi kay Simon.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon